Page 4 - Spell Hot, That's Me, Oh My

8.1K 298 60
                                    

(Chill's picture on the multimedia)

Page 4 - Spell Hot, That's Me, Oh My

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkasabi niya nito, hindi ko na napigilan at naibuga ko na lahat ng tawa na itinatago ko. Nakitawa rin naman si Bakla. Para nga kaming mga shunga dahil may matching padyak at suntok pa sa lamesa ang mga laughtrip moments namin!

"Hahaha! Sa wakas, tumigil ka na rin sa kaka-emote Beki! Seize fire na kami niyan? Bati na kami niyan? Ayiiiee! Uy, bati na tayo ha?" ang pangungulit niya sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko. Sa bawat sundot niya, napapagalaw ako dahil makiliti. Ang best friend ko talaga.

"Sige, pero on one condition..." ewan ko ba pero mukhang ayaw ko pang makipag bati. Masaya kasing mang trip muna eh. 

"Ano na naman ang echoz na yan at may pa-condition condition ka pang nalalaman?"

"Lumabas ka ng classroom tapos pumasok ka ulit at magpanggap na Prof!"

 

Pagkasabi ko nito, binigyan niya ako ng epic death stare. Pero I counter that using my serious gaze kaya naman in the end napapayag ko rin siya. Parang batang napipilitan na naglakad si Beks papunta sa pinto. Bwahahaha! Ayos 'tong naisip kong plano!

Binuksan na ni Bakla yung pinto at isinarado ito. Naghintay lang ako ng ilang segundo bago muli itong bumukas. Hindi ko na hinintay pa na makapasok siya ng tuluyan at kaagad na akong nag cheer na may halong pang asar na rin.

 

"Go Bakla! Kaya mo yan! Woot woot~! Ang sexy sexy mo! Ikaw na yata ang pinaka sexy na Beki na nakita ko ever!" sigaw ko na para bang nasa concert lang,

"SINONG TINATAWAG MONG BAKLA IKAW NA SIRA-ULONG BABAE KA?!"

Ay palaka!

Halos mahulog ako sa upuan nang makarinig ng ibang boses at sigurado akong hindi boses ni Bakla 'yun! Hinanap ko kung sino ba yung pumasok at...

Sh!t!

Bakit nandito si Lantern?!

Sakto namang napasulyap ako sa may pintuan at nakita ko si bakla. For the second time for today, nag peace sign lang siya sa akin! Takte! Ano ito, de ja vu? Bakit mukhang nauulit na naman yata ang nangyari kanina at ngayon mas malala pa? 

Naalarma ako nang mabilis na naglakad si Lantern papunta sa akin. Whoaa! May escape door ba dito? Damn it! Akala ko ba tangent lines kami na once lang mag memeet? Pero bakit yata naging intersecting lines na kami meant to intersect forever ngayon? Uwaaa! Pasensiya na. Adik lang talaga ako sa Geometry.

"T-teka Lantern, I don't mean it for you—waaaa!" eto na naman tayo, kinakaladkad na naman niya ako papunta sa isang unknown planet.

"Saan mo na naman ako dadalhin?!" ang galit na tanong ko sa kaniya. Eto na naman tayo ulit, na-gather ko na naman ang attensyon ng aking mga chizmosang schoolmates at teachers.

Saglit siyang tumingin sa akin, and what he do right after really send me to chills!

Binuhat niya lang naman ako!

Pero kung like a princess ang iniisip niyo, you're deeply mistaken!

Ang hayop kasing ito, binuhat ako na parang sako ng bigas! Putcha talaga! Para akong NFA rice na nakasabit sa balikat niya! Pero infairness, ang bango ni Lantern—tang*na naman Zony! Hanggang dito ba naman nakakapag isip ka pa rin ng kalandian?!

"What are you doing! Ibaba mo ako! Hayop ka! Tae ka! Mushroom ka! Ipis ka! Demonyo--!"

"If you don't shut your noisy irritating mouth, itataas ko itong palda mo sige!" banta niya sa akin at automatic naman na napahawak ako sa palda ko for security. Waaa! Blackmailer din pala ang tao na 'to! Polka dots pa naman ang underwear ko! Waaa!

Dahil ayaw kong mareveal ang aking lihim na undergarments sa buong school, tumahimik na lang ako. Bahala na mamaya. Subukan lang niya akong gawan ng masama, talagang dudurigin ko ang hinaharap ng lahi niya!

After a few minutes later, nagulat na lang ako nang bigla niya akong itinapon. Buti na lang malambot ang binagsakan ko kung hindi baka basag na ang bungo ko ngayon!

"What's with this rude attitude?!" ang galit na reklamo ko sa kaniya while regaining my composure,

He just smirked at me tapos naupo doon sa opposite side ko, and oh my gash! Bakit narito din ang apat na Frequently Asked Boyfriends? Syempre including Hae!

"Mas malala pa diyan ang aabutin mo so kung ako sa'yo, I'll just behave like a dog." sagot sa akin ni Lantern na talaga naming nagpausok ng tenga at ilong ko!

"Sorry but I'm not a dog. Pero kung ganyan din pala ang gusto mong usapan, bakit kaya hindi ka magpaka-tao?"

"Ano--?!"

"Hoy hoy hoy. Calm down Miss. Lalo na ikaw Lantern. Just tell this girl the things she needs to know para tapos na ang usapan na 'to. Oh by the way Miss, I'm Ethan." pakilala sa akin nung lalaking perfect ang build-ups ng katawan. Infairness, kasing perfect ng body niya ang pangalan niya. Hihi!

"Call me Chill." dagdag naman nung lalaking seryoso na mukhang GC yata pero gwapo pa rin! Chill? Mukha nga. Astig! Parang tongue twister lang yung pagpapakilala niya. Call me chill. Hahaha!   

"You can call me Airen babe." sabi nung mukhang playboy sa isang malanding tono na may kasamang kindat pa. Oh may gash! Kung hindi lang ako loyal sa aking first and current love baka kanina pa ako nawalan ng virginity dito! Nyahahaha! Ang hot ni Airen! Tapos ang tindi ng appeal ng name niya. Ang sarap paulit-ulitin!

"Hae." nagulat ako nang may nag reach ng hand papunta sa akin for handshake sabay sabi ng pangalan ng mahal ko.

Si Hae my love, ilang centimeters lang ang layo sa akin. Kaagad naman akong nakipag handshake sa kaniya. Kyaaa! Sana pala naglagay ako ng mighty bond para forever ng magkadikit ang mga palad namin! Pero hindi eh. Wala pa yatang five seconds, tinaggal na niya ito. Siya pa talaga yung bumitaw? Ang sakit sa heart.

"I don't need to tell who am I. You should know me." kumulo na naman ang dugo ko nang sumingit ang boses ni Lantern. Yeah I know you. You're a damn demonic bastard! Pero ooopss, mukhang time ko na yata para magpakilala.

"I'm Zony, a-ano bang pakay niyo sa akin?" Ayan na ha. Diretsong tanong na yan para malinawan na ang buong mundo kung ano ba talaga ang meron sa limang 'to at ayaw akong tantanan.

"Listen carefully. I won't repeat this. I don't care if you're slow or not. When you're talking to me, you should be intelligent." takte! Nosebleed naman ako sa sinabi ni Chill! Kung literal lang na lumalaki ang tenga kapag naka-focus kang marinig ang isang importanteng bagay, siguro lumaki na ang sakin.

"Nang sinabi sa'yo ni Lantern na you'll become his wife, that's not a joke."  okay. May screw ba kayo diyan? Na-detached kasi yung panga ko. 

"HINDI AKO PAPAYAG!" ang direct to the point na objection ko. Ako? Ang beautiful Zony meant for Haenan Fernandez ONLY magiging asawa ng isang demonyo? Haha. No way. Mangyayari lang yun when hell freezes over.

"Aba! Ikaw na nga itong nag confessed tapos ikaw pa ang may ganang mag reklamo--?!"

"Patapusin niyo muna ako pwede?" ang naiinis na hayag ni Chill. Oo nga naman. Ano ba kayo? Patapusin muna natin si Chill. Chill lang okay?

"Zony listen, that time you had confessed to Lantern nasa gitna kami ng isang meeting noon with our fathers. Our fathers belong to the same clan who share and strictly follow this tradition...

Kailangan naming pakasalan without second thoughts ang unang babaeng mag confessed sa amin on their presence gamit ang kahit ano mang form of technology.

At dahil ikaw ang babaeng yun, you'll end up not marrying Lantern alone, instead...

you'll end up marrying the five of us."

What the hell? Serysoso ba yan? Bawal ang polyandry dito sa Pilipinas!

 

Misdialed Paramour ✔️Where stories live. Discover now