CHAPTER 33

268 24 0
                                    

CHAPTER 33
Survival Quest

"HMMM, what's with the three of us talking?"

Saglit kaming tinignan ni Rei bago ito nag iwas ng tingin sa akin. Napangisi nalang ako dahil dito, so he's into my Lil Sis, huh?

"I know that I don't need not remind you this but protect them at all cost, okay? They may look tough, especially Sena, but we know that they're fragile as well," ani Rei bago binalingan si Ian.

"I know, no need to worry, " sagot naman ni Ian.

Tumango si Rei bago sa akin naman tumingin, "Hira's on her existential crisis period and she's emotional. Handle her with care, okay? She maybe a healer and she can heal herself but don't let it go that far, okay?" anito na seryosong nakatingin sa akin.

I understand everything he told us but he must also protect my Lil Sis or else it'll be friendship over.

"I know what I should do, Rei. You should not fail me as well. You're with my Lil Sis and if something happens, you know what you'll get into," seryosong sabi ko bago ako naunang bumalik at iniwan sila ni Ian. It'll be hard to have a fight with Rei, my bestfriend, but if my Lil Sis is involved, I won't even blink and give a freak.

"HEY, Koku, what should we get?" tanong sa akin ni Hira habang nakatingin sa mga laman ng box na nasa harapan namin.

"Hmmm, we only have 79 points, rounded off to 80. It's too little. Let's go with the basic needs," ani ko. Mabuti nalang at naging 80 points ito. Masasayang lamang kasi kung may putal at hindi mapapapaltan.

Napagdesisyunan namin ni Hira na kumuha ng pocket knife, flashlight, 2 sets of extra batteries, matches, metal pot, safety pins, emergency non-perishable food, space blanket at duct tape. We didn't bother getting water purification tablet dahil kaya naman ni Hira na linisin ang tubig using her special ability. Aside from that, hindi na rin kami kumuha ng medicinal kit dahil nga gifted healer naman ang kasama ko.

"Let's go!" ani Miss Yonda.

Inilagay ko na sa back bag na ibinigay ni Miss ang mga gamit na pinili namin at saka kami sumunod ni Hira dito. Syempre, I'll carry our things. I'm the man!

"Where do you think we're going?" pabulong na tanong sa akin ni Hira.

"Sa gubat na siguro?" hindi siguradong bulong ko rin dito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa field. Naroon na ang iba pa naming kasama. Ano na bang gagawin namin?

Magsasalita na sana ako pagkalapit na pagkalapit palang namin ngunit sinamaan na ako ng tingin ni Miss Yonda, "Don't talk to them," aniya.

Napalunok nalang ako at saka tumango. Tahimik kaming lahat na nagpapakiramdaman. What's with the field? Bakit kami narito?

Napatingin kaming lahat kay Sir Reki nang tumikhim ito, "You need to enter a portal para makapunta na sa gubat na pagdarausan ng survival quest niyo. Just hold your pair's hand and step inside the portals together," anito.

Agad na nangunot ang noo ko, anong portals? Wala namang portal dito sa field, ah!

"Sir, there's no portal at all," ani Sena na itinaas pa ang kanyang kanang kamay.  Parang bata talaga!

"Oh, I haven't activated it yet pero sige na nga tutal excited kayo. Here it is!" aniya bago bigla akong napapikit dahil sa liwanag. What the heck?!

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon