CHAPTER 31

273 26 1
                                    

CHAPTER 31
No One is a Failure

"I told you to hold the bow as if your life depends on it! Kapag ganyan lang ang hawak mo ay madali 'yang mawawala sa 'yo!"

Kanina pa ako sinisigawan ni Rei. Aish! Bakit ba siya nagagalit?! Ginagawa ko naman yung mga sinasabi niya, ah?! Noong sinabi niyang ganito ang tayo, ganoon ako tumayo. Noong sinabi niyang ganito ko hawakan, gano'n ko hinawakan. Ano ba talaga?!

Unti unting sumama ang mukha ko, "Alam mo, ikaw, napakagulo mong magturo! Hindi ako natututo, e! Nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko!" hindi ko napigilang hindi ito isigaw.

Nakita kong natigilan silang lahat lalo na si Rei. Aish, bahala sila. Binitawan ko ang bow na hawak ko at inalis ang suot suot na quiver o lagayan ng arrows. Makalabas na nga lang muna! Hindi ko na inantay na makapagsalita pa sila at lumabas na ako ng training room ng Q-Class na matatagpuan sa basement.

I need peace of mind and time to relax. Naririndi ako kay Rei lalo na at hindi naman kasi siya ganoon, e. What's with today?

"Hey!"

Hindi ko ito nilingon at nanatili nalang na nakapikit habang nakaupo sa ilalim ng puno. Being with nature feels like home.

"I'm sorry," anito na ikinalingon ko naman. Wow, he said he's sorry!

"Hmmm," sagot ko dito.

"Kasalanan mo naman kasi talaga, pamali mali ka ng ginagawa. Mabuti nalang at hindi ka nagmintis kahapon kundi ay tinamaan ako ng arrows na pinakawalan mo," aniya na biglang naninisi na ang tono.

Agad na kumunot ang noo ko, how dare he?! "Akala ko ba nagsosorry ka? Bakit naninisi ka na bigla?!" sigaw ko dito.

"Nag sorry nga ako pero may kasalanan ka rin naman. Ayaw mong makikinig sa akin! Hindi palaging sasakto ang ginagawa mong pagpana kapag gano'n ang posture mo!" pabalik na sigaw nito sa akin.

Bumuntong hininga nalang ako, "Seriously, Rei, what's your problem?" tanong ko. Kagabi lang ay parang good mood siya sa tawag tapos ngayo'y ganiyan na siya. How wonderful! He's showing he's unbelievable duality!

"Hmmm, wala," anito bago umiling. Bakit ba ganiyan sila? Ayaw pang sabihin, e, hindi ko naman ipagkakalat!

"Let's call it a day," sabi ko sa kanya. "Sabihin mo sa iba na magrelax nalang ngayon at 'wag na munang magtraining. Lahat tayo ay occupied at maraming iniisip. Akala niyo siguro'y hindi ko napapansin pero halatang may gumugulo sa inyong lahat," dagdag ko pa.

Tumango ito, "Sige, tama ka. Lahat tayo ay occupied. Let's call it a day. Tara na sa loob," tugon nito.

Tumayo ako at pinagpag ang aking damit bago naglakad na muling papasok ng bahay. Sinundan ko si Rei hanggang sa makabalik na kami sa training room nila.

"Q-Class! Let's call it a day. Lahat tayo ay occupied kaya magpahinga nalang tayong lahat ngayon at may event pa tayong lalahokan bukas," ani Rei na ikinatigil muli nang lahat ng nagsasanay.

Nilikom nila ang mga gamit at nagsisunuran na rin papalabas. Hays, what's with this atmosphere? It's too heavy!

Napagpasyahan kong magtungo sa kusina para magprepare ng makakain. I'm thinking of something. I guess, I'll just ask my brother for help.

"Lil Sis, what are you doing?" anito na ikinalingon ko. He's always on the right timing! What a talent!

"Kuya, can I ask you something?" tanong ko.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon