GLIMPSES OF THE PAST 8

133 10 0
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 8
When Things Started to Fall Apart

"WHAT happened to you?" bungad ni Mrs. Ri matapos makita si Reon na maputlang maputla habang nag iintay sa guro niyang manggagamot.

Napatunghay naman si Reon dito at saka maliit na ngumiti, "Hihingi lang sana ako ng gamot, Mrs. Ri," sagot nito.

Napabuntong hininga si Mrs. Ri sa sagot ng maputlang estudyante, "Inulit na naman niya?" tanong nito.

"Ayos lang naman ako," wala sa hulog na sagot ni Reon.

Umiling iling si Mrs. Ri bago dumaretso sa storage niya ng gamot sa kanyang opisina. "Hindi ba't tinuruan na kita kung paano gumawa ng lunas?" takang tanong ni Mrs. Ri.

Ngumiwi naman si Reon, "Naubusan na po kasi ako ng stocks kaya dito na ako dumaretso," sambit nito na animo normal lamang ang nangyari.

"Kailan ka ba madadala, iho? Ilang beses na niyang ginagawa 'yan sa 'yo," halata ang disappointment sa mukha ni Mrs. Ri. "Kapag naulit pa itong muli ay ako na ang gagawa ng paraan para matigil ang babaeng 'yon," dagdag pa nito.

Agad na inilingan ni Reon ang kanyang guro, "Ayos lang naman po ako at saka ako lang rin naman ang ginagawan niya ng ganito kaya walang problema," sambit nito bago mapaklang napangiti nalang.

"Kapag naulit ito ay ipaaalam ko na 'to kila Gunshi, lalong lalo na kay Jikan. Hindi nila magugustuhan ang nangyayari sa 'yo maging ang pagtotolerate mo sa babaeng 'yon," naiiling iling na sambit ni Mrs. Ri, mababakas ang hindi pagsang ayon sa mukha nito na palagi lamang kalmado. Iniabot ng huli ang gamot kay Reon bago umupo sa harapan nito.

Nginitian ni Reon ang kanyang kaharap, "Hindi niya naman na siguro muling gagawin pa ito. Kilala ko si Chiteki, natural sa kanya ang kabutihan kaya naman alam kong may malalim siyang dahilan kaya nagagawa niya ang mga ganitong bagay," sambit nito.

Bumakas ang awa sa mga mata ni Mrs. Ri, "Hanggang kailan ka ba aasa, Reon? Hindi na siya magbabago o baka nga gano'n naman talaga siya at masyado ka lang nabubulag sa nararamdaman mo para sa kanya," mahabang litanya nito.

"Alam kong may dahilan siya at iniintay ko lang naman na lumapit siya sa akin. Konting pag-iintay pa at nararamdaman kong malalaman na natin kung bakit niya ito ginagawa, Mrs. Ri."

"Sa pag iintay mong 'yan ay hindi malabong mapatay ka na niya! Paonti onti ka niyang nilalason, Reon! Kung hindi mo pa napansin kaagad ay malamang sa malamang ay patay ka na!" sigaw ni Mrs. Ri, batid na batid ang galit bagama't nagtitimpi.

Tumayo si Reon bago lumapit kay Mrs. Ri, "Hindi niyo naman ako pababayaan, Mrs. Ri. Kaya nga buhay na buhay pa rin ako hanggang ngayon, 'di ba?" ngumisi pa ito matapos magsalita.

Sinalubong naman ito ni Mrs. Ri bago niyakap, "Ikaw talagang bata ka! Pasalamat ka dahil anak na ang turing ko sa 'yo at hindi ko kayang makitang wala sa ayos ang lagay mo!" sambit nito bago pabirong kinurot pa sa likod si Reon.

Natawa naman ang huli rito bago mas yumakap pa, "Salamat sa pagtuturing sa akin bilang anak, Nay," sambit nito bago kumalas sa yakap. Itinuring na niyang pangalawang magulang si Mrs. Ri na magmula nang dumating siya sa Academy ay naging mabuti na sa kanya.

Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Mrs. Ri habang nakatingin sa estudyante niyang itinuturing na niyang tunay na anak, "Basta kapag hindi mo na kaya at kinailangan mo ng tulong, alam mo na kung kanino ka lalapit, ah?" anito.

Ngumiti si Reon rito, "Opo pero 'wag na kayong masyadong mag-alala dahil kayang kaya ko naman po ang sarili ko," sambit nito.

"Siguraduhin mo lang at hindi nakakatuwa ang nangyayari."

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now