CHAPTER 54

137 14 2
                                    

CHAPTER 54
Kan Siblings

"PUPUNTAHAN ko lang si Mama sandali."

Nagpaalam ako kina Sena bago ako lumapit patungo sa direksyon ni Mama. Kukumustahin ko lang ang kapatid ko at ang sitwasyon ngayon ng buong Academy. Masyado na kasing magulo ang mga nangyayari.

"Ma!" tawag ko rito ng makalapit ako.

Agad naman ako nitong nilingon bago sinenyasan na sandali lamang. Kausap niya pa kasi si Mrs. Ri.

Hindi rin nagtagal ay lumapit na sa akin si Mama. "Koku," bungad nito sa akin.

"Ma, kumusta si Mirai? Nasaan ba siya? Bakit wala siya rito sa safezone?" magkakasunod na tanong ko rito. Inaasahan ko kasing makikita ko ang kapatid ko pagkarating na pagkarating palang namin dito.

"Maayos naman ang lagay ng kapatid mo, Koku. Wala siya rito ngunit mapagkakatiwalaan natin ang mga Tokushu na kasama niya," sagot sa akin ni Mama. Pero nasaan nga ang kapatid ko? Hindi niya pa nasasagot ang tanong ko.

"Nasaan siya? Bakit nasa malayo siya at wala rito?" tanong ko pang muli rito.

"Koku, makinig ka sa akin," anito bago sumeryoso. "Hindi kami pupwedeng magsama ni Mirai sa iisang lugar ngayong 16 na siya dahil unti unting mag aagawan ang mga Tokushu Nōryoku namin at obvious naman na maooverpowered ko siya hanggang sa mawala na ang Tokushu Nōryoku niya," mahabang paliwanag nito.

Hindi ko napigilan ang gulat ko sa mga nalaman ko. Bakit naman gano'n? Ngayon ko lamang narinig ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit naman magiging gano'n ang sitwasyon ninyong dalawa?"

"Dahil mas malakas ang mga babaeng Time Masters kumpara sa mga lalaki, Koku. Hindi nangyari 'yon sa ating dalawa dahil mas lamang ang Tokushu Nōryoku na nakuha mo mula sa Papa mo," sagot nito.

Saglit akong natahimik hanggang sa makabuo ng isang desisyon. "Pupuntahan ko si Mirai," ani ko.

Tumango si Mama na ikinagulat kong muli, ang bilis niyang kausap. "You, together with the others, need to keep her safe," anito.

Together with the others? "Who are you referring to, Mama?" tanong ko.

"The Q-Class, Koku. Let me remind you that you're a team," anito. "Also, magkasama na si Mirai at si Hira kaya naman intayin niyo lamang si Shinrei at makakaalis na kayo."

Tumango ako kay Mama, alam ko namang we're a team. Medyo nagpanic lamang ako kanina lalo na at hindi ko pa nakikita ang kapatid ko simula ng makabalik kami ni Papa. Hindi biro ang mga bilin at babala ng Lola namin sa akin.

"You also need to train harder kaya Sendo will go with you," ani Mama bago bumaling sa gawing kanan niya at doon ko nakita si Sir Sendo habang kaukausap na nito sila Sena at Ian.

I nodded my head again, "Opo, Mama," sagot ko. "Aside pala sa pagiging team namin, bakit kailangan naming lumayo lahat sa Academy? Napansin ko kasing parang hindi lamang 'yung kay Mirai ang dahilan ng pag alis namin kundi dahil na rin sa nangyari sa Hall ng party kanina."

"Bukod sa hindi puwedeng manatili si Mirai dito sa Academy habang narito ako. Hindi ako pupwedeng umalis ngayon dito sa Academy lalo na at hinahanap pa namin ng Papa mo ang lahat ng traitors na naririto," mahabang paliwanag ni Mama.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagulat na naman ako. Tama pala ang hinala kong may nangyayaring kakaiba sa Academy.

"Palalabasin kong may mission kayo sa Seijo at kasama ninyo si Sendo dahil hindi madali ang mission na gagawin ninyo. Sasabihin ko ring baka matagalan kayo ng balik habang nagsasanay kayo upang maiwasan ang paghihinala ng mga kalaban. Paghusayan ninyo, Koku, dahil malaki ang gagampanan ninyong lahat sa malaking bagyong paparating."

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now