CHAPTER 5

545 36 1
                                    

CHAPTER 5
Where I Belong

ANG sementong inaapakan ko kanina sa rooftop ay unti unting naging lupa. Nasa labas mismo ako ng Futsu Gakko. Natanaw ko si Shinyu na mabilis na tumatakbo. Dumaan ang isang kotse na agad namang huminto sa tapat niya. Dali daling sumakay si Shinyu sa kotseng ito.

Agad kong isinigaw ang kanyang pangalan ngunit walang boses na lumabas mula sa aking bibig. Sinubukan kong tawagin siyang muli ngunit gaya ng nauna ay wala pa rin akong tinig. Para akong spirit na walang magawa kundi ang tumagos tagos sa mga gamit, manahimik at manood lamang sa mga nangyayari. Sinubukan kong tumakbo ngunit wala ring nangyari dahil nakalayo na ang kotseng sinasakyan ni Shinyu hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Inis na iginala ko ang aking mga mata. Nagtataka kung bakit hindi pa bumabalik sa dati ang aking paligid. Kadalasan nama'y bumabalik na ito kaagad sa kasalukuyan matapos maipasilip sa akin ang hinaharap.

Napatigil ako sa pag ikot nang may mamataang mga tao. Mataman kong tinignan ang dalawang bulto ng tao na nag uusap sa ilalim ng puno. Isang babae at isang lalaki. Agad ko silang nilapitan, curious sa kanilang katauhan.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mamukhaan ko ang dalawang taong nag uusap. Si Miss Yonda at si Reki! Lumapit pa ako para marinig ang kanilang pinag uusapan ngunit gano'n na lamang muli ang pagtataka ko dahil nanatiling nagtititigan ang dalawa. Animo nag uusap gamit lamang ang kanilang mga mata.

Hindi nagtagal ay nakita kong tumango si Reki at maliit na ngumiti. Binigkas ang mga salitang "Mag iingat ka rito at ako na ang bahala sa kanya." Bago tumalikod na at naglakad papalayo. Tinanaw naman siya ni Miss Yonda hanggang sa unti unti nang lumiit ang bulto ni Reki at tuluyang makaalis.

Napahawak ako sa puno nang biglang sumakit ang aking ulo. Gano'n na lamang ang gulat ko nang biglang naging pader ang punong tinutuunan ko. Nandito pa rin ako sa rooftop at nakatuon ang aking kamay sa pader. Ipinagsa walang bahala ko na muna ang nakita kong pag uusap nila Miss Yonda at Reki.

Agad akong bumaba, umaasang maaabutan ko pa si Shinyu kahit na ito'y malabo. Dumaretso ako ng classroom sa kadahilanang hindi ko nakita kanina na dala dala ni Shinyu ang mga gamit niya. Pagkarating ko ng classroom ay naroon nga ang kanyang mga gamit. Binitbit ko na ito dahil wala ng tao sa classroom. Nagsiuwian na ang mga kaklase namin, palibhasa'y malapit na ang graduation kaya halos wala na kaming klase.

Kinuha ko ang aking telepono mula sa aking bag. Umaasang may message na galing kay Shinyu ngunit wala akong nakita. Hindi ko lubos na maisip kung bakit siya sumigaw kanina at bigla nalang tumakbo paalis.

Tingin niya ba'y nababaliw na talaga ako at gumagawa lang ng kwento? Napagpasyahan kong magmessage nalang sa kanya para mapanatag din ako kahit papaano.

'Shin, hindi ko maintindihan kung bakit tumakbo ka nalang bigla paalis kanina. Tawagan mo ako kapag gusto mo na akong kausapin ulit. Mag iintay ako sa tawag mo, ah? Oo nga pala, nasa locker ko ang mga gamit mo. Alam mo naman ang code no'n. Ingat ka palagi, ah? Love youuuu!'

Itinago ko na ulit sa aking bag ang aking telepono pagkatapos kong magmessage kay Shinyu. Dumaretso ako ng faculty room para kausapin si Miss Yonda. Naupo nalang ako sa bench na nasa tapat lamang ng faculty room.

Manggagaling pa naman si Miss Yonda sa labas dahil mag uusap pa sila ni Reki. Kinuha ko ang aking earphones at isinaksak ito sa aking telepono. I need music to calm my nerves. Isinuot ko na ang earphones at saka ako pumikit.

🎶 Grow Up by Stray Kids (English Translation)  - Now Playing

'Woah eyo woah oh oh
Woah eyo woah
You fell down, it's alright, I'll pick you up
Did you worry a lot?
No no no, it's your first time
That's ok, everyone does that
That's how it is, even adults made mistakes
Practiced and grew when they were our age
There's still so many firsts for us
It's alright, we just need to go through it and grow, don't cry

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now