CHAPTER 1

992 45 5
                                    

CHAPTER 1
Another Irregular Day

"EARTH to Mirai, Earth to Mirai!"

Inirapan ko si Shinyu na patuloy na iwinawagayway ang kanang kamay niya sa harap ng mukha ko. I can't help it, ilang araw na akong natutulala na lang bigla dahil sa nakita ko. Aish! Who the heck is that woman? Why do we look the same? Am I her? Paano naman ako mapupuntang gubat?

"Miraaaaaaaai!" Napabalikwas ako ng upo dahil sa pagsigaw ni Shinyu sa mismong tapat ng tainga ko.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "What?!" bulyaw ko rito.

"Eh kasi naman, ayaw mo akong pansinin! Ilang araw ka nang gan'yan, ano bang nangyayari sa 'yo, ha?" nakanguso pang reklamo nito. Aba naman talaga!

"'Wag ka ngang magulo, Shin! Daldal din nito, e!" Inirapan ko na lang siya ulit at saka ako yumuko sa armchair ko.

"Sige! Bahala ka, hindi na kita kabati!" sigaw niya gamit ang matinis niyang boses sabay talikod sa akin at harap sa harapan. Magkatapat kasi ang upuan naming dalawa dito sa loob ng classroom.

"Hey," ani ko sabay kulbit sa kanya. Napakamatampuhin naman ng babaeng 'to! "May iniisip lang ako kaya gano'n. Saka 'wag kang isip bata d'yan, baka masipa kita."

Agad naman siyang lumingon sa akin at saka ako pinandilatan ng mata. "Napakabrutal mo talaga, Mirai! Pasalamat ka't best friend kita kaya mabait ako sa 'yo!" Dinuro-duro niya pa ako. Grabe rin manumbat.

"Oo na, oo na." Tumango tango na lang ako bago siya sinenyasang humarap na ulit sa unahan. "Doon ka na humarap at naaasiwa ako sa 'yo." Kinunutan niya ako ng noo pero humarap na rin naman siya sa unahan. Saktong dating din kasi ng class representative namin.

"Guys," bungad nito sa amin. Nagsipaglingunan naman ang lahat sa kanya. "Nagkaroon ng emergency meeting ang lahat ng teachers, kaya no classes na tayo for this day," pagpapatuloy niya. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko kasama si Shinyu na hindi nagpatalo sa palakasan ng boses. Aish! Ang iingay!

"Miraaaaai! Tara kain tayo saka gala!" Hindi pa man ako nakakasagot ng 'oo' ay nahila na ako ni Shinyu palabas ng classroom. "D'yan na lang tayo sa malapit na Mall, my treat!"

Hindi na rin ako umangal dahil libre naman niya at wala rin naman akong gagawin sa bahay kung sakaling uuwi na ako kaagad.

"Magcocommute tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya sanay sa pagcocommute lalo na at hatid sundo naman siya ng driver niya.

"Ahm, should I call my driver to fetch us right now?" tugon niya na agad ko namang inilingan.

"'Wag na, sanay naman akong magcommute kaya keri na natin 'to," sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at saka ngumiti ng malapad. Alam ko naman kasing gustong gusto niyang subukang mag commute.

"Itetext ko na lang ang driver ko na sa Mall na ako sunduin mamaya." 

Tinanguan ko na lang siya ulit at saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"WHAT do you think? Will I look better with this or with this one?" Inangat ni Shinyu ang dalawang plaided skirt na kulay lang naman ang pinagkaiba.

"Hindi ko alam, they look the same to me," sabi ko sabay talikod sa kanya para maghanap ng mauupuan. Laging ganito ang ganap naming dalawa. Habang naghahanap siya ng bibilhin niya ay naghahanap naman ako ng mauupuan ko.

Nang makahanap na ako ng mauupuan ay agad ko itong nilapitan. Sakto naman na may nakaupo na sa kabilang side nito. Isang lalaking mukhang nasa early 30's at mukhang may iniintay. Probably his wife or his girlfriend. Mas binilisan ko pa ang paglakad, baka kasi may makauna pa sa upuan. Mabusisi kasing pumili ng bibilhin si Shinyu kaya paniguradong magtatagal kami at ayoko namang tumayo ng matagal dahil nakakangalay 'yon.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now