CHAPTER 19

370 31 1
                                    

CHAPTER 19
I've been Longing For

"LIL Sis, what's with you and Rei?"

Napalingon ako kay Kuya Koku habang naglalakad kami papuntang parking lot dahil sa tanong niya. Nagpasama lang naman kumain si Rei sa akin at tinour lang niya ako sa Academy kaya anong 'anong mayro'n?'

Nakakunot ang noo ko siyang sinagot, "Ano bang mayro'n, Kuya?" tanong ko sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga si Kuya Koku, "Magkakilala na ba kayo bago pa man kayo magkita kanina sa classroom?" tanong nito sa akin.

Agad naman akong umiling, "Hindi pa. Unang kita ko palang sa kanya kanina sa loob ng classroom, Kuya," sagot ko dito. Lalong kumunot ang noo ng kapatid ko. "Bakit? Ano bang problema?" tanong ko pa rito.

Umiling naman ito sa akin, "Wala, 'wag mo nalang akong intindihin," sagot nito sa akin bago nag iwas ng tingin.

Nagkibit balikat nalang ako at ipinagsa walang bahala nalang ang mga itinanong at ang inaakto ni Kuya. Baka napagod lang siya sa dami ng nangyari sa araw niya kaya siya ganyan. Ipagtitimpla ko nalang siya ng gatas mamaya pagkauwi sa bahay, kung doon siya uuwi syempre.

"Kuya, saan ka natutulog kapag hindi ka sa bahay umuuwi?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti, "Lil Sis, kapag 16 ka na ay doon ka na rin uuwi sa inuuwian ko. Gano'n kasi ang nakalagay sa student's handbook. Tsk, hindi mo manlang binasa, no?" aniya habang umiiling iling pa nang madiskubreng hindi ko pa nababasa ang handbook.

"Edi saan ka nga umuuwi, Kuya?"

"Akala ko ba ay nagtour kayo ni Rei? Hindi ba niya nabanggit sa'yo yung mga building na malapit sa field?" tanong ni Kuya Koku.

Umiling naman ako sa kanya, "Pagkarating namin sa field kanina ay tumambay nalang kami sa ilalim ng puno hanggang sa puntahan mo ako," sabi ko dito.

Ngumiwi naman si Kuya Koku, "Yung dalawang tig apat na palapag na building ang tinitirhan ng mga taga A-Class, B-Class, C-Class, at D-Class. Ang kulay blue na building ay sa mga lalaki at ang pink naman ay sa mga babae. At dahil apat ang palapag kada building, isa kada class," mahabang paliwanag ni Kuya Koku. Mabuti naman pala at may kaayusan ang pagdidivide sa mga estudyante.

"Eh ang Q-Class, Kuya?" tanong ko dahil hindi niya ito nabanggit. Mula A hanggang D lang ang sinabi niya.

"Ang Q-Class naman ay sa isang malaking bahay tumutuloy. Mas kakaonti kasi ang nagiging miyembro nito at ito rin ang pinakamataas na Class, kaya gano'n nalang ang special treatment dito. Malayo ito sa dalawang building dahil nasa kabilang bahagi ito ng field. Malalaman mo rin kung nasaan ito kapag pinuntahan natin, Lil Sis," mahabang aniya bago ginulo nanaman ang aking buhok. Wala talagang magawang matino si Kuya Koku kaya palaging buhok ko ang pinagkakainteresan. Aish!

"Kuya! Ang buhok ko naman!"

Tumawa ito ng malakas kaya naman tinampal ko ang braso niya. Nang aasar maigi, e!

"Oo nga pala, Lil Sis, daan muna tayo sa mall? Sa tingin mo, ano kayang magandang ibigay kay Mama?" aniya na nagpangiti sa akin. Naeexcite din naman pala si Kuya na makita si Mama gaya ko noong makikita ko na si Papa. Halata mong masaya si Kuya kahit na hindi ngiting ngiti dahil kumikislap ang kanyang mga mata.

"Kahit ano naman, Kuya, tatanggapin ni Mama," sagot ko kay Kuya. Ayoko ring sumagot sa kung ano ang mga gusto at hindi gusto ni Mama. Mas mabuti na alamin niya sa sarili niyang pamamaraan ang mga bagay na 'yon at saka nacucurious din kasi ako sa kung ano ang bibilhin ni Kuya sa Mall para kay Mama. Lihim akong napangiti dahil dito.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon