CHAPTER 57

130 10 1
                                    

CHAPTER 57
Every Jungle has a Snake

"NASAAN si Sir Sendo?!" biglang sigaw ni Kuya matapos ang ilang minutong pananahimik niya.

"Bakit? Nasa labas si Kuya, kasama ni Ate Sho," sagot ni Sena rito.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Anong nangyari?

"Kuya, anong nangyari? Ano bang nakita mo?" tanong ko rito.

Magkasalubong na kasi ang mga kilay ni Kuya at nagmamadali itong tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

"Tabi," aniya bago ako maharang hinawi para magkaroon siya ng daraanan.

"Kuya?"

Nagkatinginan nalang kami nila Sena dahil sa inaakto ni Kuya. Hinarangan naman ni Rei si Kuya bago nito hinawakan ang balikat ni Kuya.

"Anong gagawin mo?" kalmadong tanong nito.

Hindi nagsalita si Kuya at tinitigan niya lang si Rei bago ito nilampasan.

Mabilis at malalaki ang mga hakbang na ginawa ni Kuya, walang planong magpapigil.

Haharangan pa sana itong muli ni Rei nang hawakan ni Sena ang braso nito at saka inilingan, "'Wag na natin siyang pigilan. Sundan nalang natin siya," anito.

Nilingon naman ako ni Rei, hinihingi ang aking opinyon. Tinanguan ko ito bago ako naglakad patungo sa dinaanan ni Kuya, "Tara," sambit ko.

Tahimik na sumunod kaming lahat kay Kuya. Wala ni isang umimik dahil lahat kami ay nangangapa at walang ideya.

Ilang sandali pa ay natanaw na namin sila Sir Sendo at Ate Sho na magkausap sa likod ng bahay.

Mabilis na nakarating doon si Kuya at saka niya kinuwelyuhan si Sir Sendo.

"Kuya!" sigaw ko mula sa malayo. Nagmadali kaming tumakbo papalapit sa kanila.

"Nasaan si Hira?! Saan mo siya dinala?!" sigaw ni Kuya bago nito itinulak si Sir Sendo.

Hindi naman nagsalita si Sir Sendo na mas ikinagalit ni Kuya.

"Anong nangyayari, Koku, Kuya?" tanong ni Sena.

"Nasaan kako si Hira?! Sumagot ka!" gigil na sambit ni Kuya.

Unti unti namang ngumiti si Sir Sendo na ikinagulat namin, nakakatakot ang ngiting ipinakita nito sa amin. Animo hindi siya ang Sir Sendo na nakilala namin at guro namin.

"S-Sir Sen---" naputol ang sasabihin ni Ian dahil nagsalita si Sir Sendo.

"Pasensya na pero hindi niyo na makukuhang muli si Hira," anito bago nito hinawi si Kuya at saka tumigil sa harapan ko. "'Wag kang mag alala, Mirai, ikaw naman ang isusunod, e," anito bago nito hinawakan ang pisngi ko.

Kinilabutan ako sa tinuran at ginawa ni Sir Sendo kaya naman hindi ako nakakilos.

"Nasaan ako? Pakawalan niyo ako!" gulat naman akong napalingon sa kanan ko at doon ay nakita ko si Hira na nakahiga sa pinakagitna ng isang laboratoryo. Napalilibutan din siya ng mga taong nakaputi na animo mga professional. Anong gagawin nila kay Hira?!

Pumasok ang isang lalaki sa silid at pamilyar na pamilyar ang bulto ng katawan nito. Si Sir Sendo! "'Wag kang maingay, Hira. Hihingi lang naman kami ng dugo mo, e," anito habang lumalapit kay Hira. 

Parang nadikit ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makahakbang papalapit sa kanila. Maging ang mga labi ko ay hindi magawang bumuka at umusal manlang ng isang salita. Bakit narito na si Sir Sendo kung kasakasama lang namin ito?

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now