CHAPTER 59

108 12 0
                                    

CHAPTER 59
Another Traitor Reveal

"HIKARI! What happened? Where's Mirai?"

Mabilis akong napalingon sa aking kanan. Naroon pala sina Sena at Hikari. Totoo bang nagtraydor si Ian at kinidnap niya si Lil Sis? Hindi ko pa rin maintndihan kung anong rason ni Ian para gumawa ng ganitong mga hakbang.

"Kage! Si Ian! He kidnapped Mirai!" malakas at mabilis na sambit ni Hikari. 

Nilapitan naman ito kaagad ni Kage at saka saglit na kinomfort.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa dalawa kaya naman napatitig ako kay Sena, wala na ang sigla at passion sa mga mata nito. Oo nga pala, si Sir Sendo na kapatid niya at si Ian na kaibigan niya na mula pagkabata ay nakuhang talikuran kami, lalong lalo na siya.

"Sena," tawag ni Rei sa atensyon ni Sena.

Binalingan naman ito ni Sena ng tingin, "Bakit?" malamig na tanong nito.

"Get yourself together. Kailangan nating iligtas si Mirai," ani Rei. Bilang leader ng Q-Class, one of his role is to bind his members together and to keep everyone focused on our missions.

Tumango si Sena bagama't naroon pa rin ang lamig sa mga titig nito,  "I know," anito.

Bumaling naman si Rei sa akin at kay Ate Sho, "We need to get going, malaki ang tsansa na hindi pa sila nakakalayo," aniya.

Inextend ni Ate Sho ang braso niya at inilapat ang kanyang palad sa katawan ng puno na nasa gilid niya. 

"What---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad akong pinigilan ni Hikari.

"Don't ask. Let's wait for a moment," bulong nito sa akin.

Nilingon ko naman si Rei at sinenyasan ako nitong mag intay sandali.

Namayani ang katahimikan sa aming paligid. Humangin ng malakas ngunit nanatili kaming nakatitig kay Ate Sho na nakapikit at nakalapat na ang noo sa katawan ng puno. Anong ginagawa niya? Nakikipag usap ba siya sa puno?

"They're still here," ani Ate Sho pagkamulat ng kanyang mga mata. Itinuro nito ang kanyang kamay sa gawing kanan namin, "Ian's running towards the East side of the forest," anito.

"Let's get going!" ani Rei bago ito tumakbo patungo sa direksyong itinuro ni Ate Sho.

Agad naman kaming nagsisunod dito at sinabayan ang pagtakbong ginawa nito.

Hang in there, Lil Sis!

-----

NAGMAMADALI akong nagtungo sa lugar na tinutuluyan ng aking mga anak matapos sabihin ni Koku na iniwan niya ang kapatid niya roon kasama si Gadian Boei.

Tila nawala ang iniinda kong pagod matapos naming iligtas ni Ishi ang kanyang anak mula sa mga kalaban. Kung sabagay, halatang wala ang mga namumuno sa Akutō dahil madali lang naming naubos ang mga taong nagbabantay doon. Mukhang natunugan nilang paparating kami kaya naman mga naduwag at nagsitakas. Tch!

*Swish*

Unti-unting kong tinalasan ang aking pakiramdam, may iba pang Tokushu na nasa paligid. Sino siya?

Mas pinagaan ko ang mga hakbang ko bagama't mas binilisan ko ang aking pagkilos. Maaaring kalaban ito!

Natanaw ko ang bulto ng isang taong may pasan pasan sa kanyang likuran. Sino ang taong 'to? Pamilyar ang presensya niya.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now