CHAPTER 15

381 33 0
                                    

CHAPTER 15
New Q-Class Member

"MA, Pa, akyat na po ako sa taas. Good night po, love you!"

Pagpapaalam ko kina Mama at Papa matapos naming kumain. Umakyat na ako sa taas dala dala ang mga gamit na binili namin ni Mama pati na rin ang identification card at monetary card ko mula sa Academy noong pumunta kami ni Mama doon kanina.

Napahinto ako sa paglalakad noong makitang nakaawang ang pinto ng kwartong nasa tapat ng kwarto ko. Hindi nakalapat ang puting pintong may silver na lining sa pintuan. Bakit naman nila hinayaang nakabukas 'to? Alam naman nilang palaging curious ang mga tao sa bagay bagay, e! Aish!

Napabuntong hininga nalang ako at saka ibinaba ang aking mga bitbit sa gilid ng aking pintuan bago bumaling sa pintuang nasa tapat ng aking kwarto. Kanino kayang kwarto 'to? Malakas ang pakiramdam kong sa kanya 'to, e.

Dahan dahan kong itinulak ang pinto at saka ako pumasok ng kwarto. Madilim dahil walang pumapasok na liwanag mula sa labas at nakasarado ang ilaw. Umaalingasaw ang amoy ng panlalaking pabango. Mabango ito, may taste ang may ari ng kwarto.

Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa gilid lamang ng pintuan. Kaparehong lokasyon ng aking kwarto. Lumiwanag ang buong kwarto noong magbukas ang ilaw. Agad akong napangiti dahil bumungad sa akin ang kanyang larawan. Sinasabi ko na nga ba! Siya nga ang may-ari ng kwartong 'to! Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto niya bago tumigil ito sa rack ng mga libro. Parang may mini library ang kwarto niya! Sasabihin ko nga rin kay Papa na gusto ko rin ng mini library sa kwarto ko!

"MIRAI, let's go!"

Rinig kong sigaw ni Tita Yonda mula sa labas ng aking kwarto. Mabuti nalang at maaga akong nagising kaya naman nakaayos na ako bago pa man ako tawagin ni Tita Yonda. Suot suot ang unipormeng binili namin ni Mama kahapon at bitbit bitbit ang mga gamit na binili rin namin. Sukat na sukat sa akin ang uniporme ng Academy. Typical uniform na makikita mo sa mga anime. Feeling ko nga ay anime character ako sa suot suot kong damit, bongga!

Ang mga gamit ko ay inilagay ko sa maliit na back bag na binili rin namin kahapon. It looks so cute! Buti nga at nagkasya ang mga gamit ko dito, ang galing lang kasi alam na alam ni Mama kung ano ang mga kakailanganin ko. Gano'n siguro talaga dahil dito na siya lumaki sa Academy.

"Mirai! Hindi ka pa ba tapos? Babyahe pa kayo ng Tita Yonda mo!" rinig kong sigaw naman sa akin ni Mama. Pati pala siya ay nasa labas ng aking kwarto. Muli kong tinignan ang aking sarili sa salamin. Hindi ko naisip na dadating ako sa ganitong sitwasyon. Ibang iba mula sa aking nakasanayan. Kinuha ko ang aking lip balm at lip tint na nakapatong sa vanity table. Mabilis akong naglagay nito sa aking mga labi bago ngumiti sa salamin. Chill ka lang, Mirai, kaya mo 'to!

"What took you so long?" bungad sa akin ni Mama pagkababang pagkababa ko palang ng hagdanan. Naroon din si Tita Yonda na nakatitig din sa akin.

Maliit ko silang nginitian bago binati. "Good morning po, Ma, Tita Yonda!"

"Good morning! Tara na sa kusina niyo at kumain na muna tayo saglit bago magtungo sa Academy," ani Tita Yonda bago nagtungo sa kusina. Ganoon din ang ginawa ni Mama kaya naman sumunod na rin ako sa kanila. Nagkanya kanyang pwesto na kami sa lamesa at nagsikain ng almusal.

"Anak, kapag may problema ay puntahan mo lang ang Tita Yonda mo. Kapag naman wala ang Tita Yonda mo ay sa Papa mo na ikaw dumaretso, okay? Mag aral ka ng mabuti," ani Mama nang matapos kaming kumain na ikinatango ko naman ng ilang beses. Ihinatid kami ni Mama sa labas ng bahay at bumungad sa amin doon ang kotse ni Tita Yonda.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now