CHAPTER 65

109 15 0
                                    

CHAPTER 65
Apologies and Reconciliation

"IS this what you want, Mama?"

Hindi ko mapigilang isatinig ang nasa isip ko. Magmula nang makabalik kami ni Mama noon mula sa pagsasanay nang dumating si Tita Chiteki sa Academy ay mas naging aligaga si Mama. Palagi siyang may inaasikaso at halos hindi ko na siya makita kahit pa sa iisang bahay lang naman kami nakatira.

Magmula nang mag iba ang ikinikilos niya ay naghinala na akong may kakaiba siyang ginagawa kaya naman sinundan ko ito sa kung saang lupalop siya nagtutungo. Hindi ko inaasahang sa isang burol siya pumupunta at nagpapalipas ng araw kada umaalis siya ng Academy.

"I need to do this to bring him back, Ian," madiing sambit ni Mama.

Si Papa. Si Papa ang pinupuntahan ni Mama kapag umaalis siya ng Academy. Si Papa ang palaging iniisip ni Mama kaya naman hindi ko na ito nakakausap ng maayos. Si Papa ang dahilan ng pagiging aligaga niya at si Papa rin ang dahilan ng pagbabago ni Mama.

"For him? Or for yourself? Ma, tinalikuran ko ang mga kaibigan ko para rito. Tinalikuran ko si Sena para lang dito!" hindi ko napigilang isigaw ang hinanakit ko.

"Come out," ani Mama. Paniguradong napansin na niyang may sumusunod sa kanya araw araw kapag nagtutungo siya dito sa burol kung saan may batong kawangis si Papa. 

"Ma," tawag ko rito matapos kong ipakita ang aking sarili. "I'm sorry," hingi ko ng paumanhin dahil hindi tamang sundan ko ito araw araw.

"Come here," aya sa akin ni Mama matapos nitong umupo sa malaking bato na palagi nitong tinatambayan kapag nagtutungo siya rito.

Lumapit ako rito at saka umupo sa tabi nito na isinenyas niya.

"Hmmm, ilang araw mo na akong sinusundan?" tanong nito sa akin. Nagulat pa ako dahil alam naman pala niyang sinusundan ko siya palagi patungo rito. 

"Mag iisang linggo na, Ma," sagot ko rito bago pinakatitigan ang batong kawangis ni Papa na nasa unahan.

Miss na miss na niya si Papa. Kaya siguro nakuha na ni Mama na gawan ito ng batong kawangis na kawangis mismo ni Papa.

"Kailan mo ito ginawa, Mama?" tanong ko kay Mama habang nakatingin pa rin sa batong nasa aking harapan.

Pulidong pulido ang pagkakagawa rito. Kung hindi ko lang naisip na ginawa ito ni Mama ay iisipin kong si Papa ito mismo. 

Hindi nagsalita si Mama kaya naman nilingon ko na ito. Napamaang pa ako sa gulat dahil namasa ang mga mata nito habang nakatingin pa rin sa bato na nasa harap namin.

"Ma?" tawag ko rito. "Miss mo na si Papa? Ako rin, miss ko na si Papa kahit na sa mga larawan ko lang siya nakikita."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng mga kamay ni Mama. "Hindi mo manlang nakasama ng matagal ang Papa mo," mahina ngunit may diing sambit nito.

"A-Ah, ayos lang naman ako, Mama. At least nakikita ko siya sa mga larawan at saka dito sa batong gawa mo na nasa harapan natin," sambit ko. "Ayos na ako ro'n."

"Hindi mo ba gustong makasamang muli ang Papa mo?" tanong sa akin ni Mama. Sino ba namang hindi gugustuhing makapiling ang magulang niya, 'di ba?

"Hmmm, gusto ko syempre. Gusto kong malaman kung paano siya bilang tatay. Kung anong boses niya, kung anong mga hilig niya at kung anong namana ko sa kanya," sambit ko. Hindi ko napansing naging emosyonal ako ng sandaling 'yon.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now