Kabanata 32

28 2 0
                                    


Kabanata 32


"Ano?! Nakita mo ba siya, girl?!", Ariana excitedly went to me.

Inirapan ko lang siya. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko.

Napanguso ako nang muli kong maalala ang tagpo namin ni Shade kanina.

Ang sungit naman no'n! Parang hindi nagmakaawa sa akin na huwag ko siyang itaboy!

I let out a sigh. 

"Hoy, babaita! Ano na?! Walang chika gano'n?!", singhal ni Ariana sa akin at pumameywang pa sa harapan ko.

Nginusuan ko lang siya.

"H'wag mo akong dinadaan-daan sa nguso mo na 'yan ha! Shuta kang babae ka! Kanina pa ako na-e-excite sa chika mo! Bitinin mo na ang tigang 'wag lang ang babaeng chikang-chika!"

Napahalahakhak ako sa kanyang sinabi.

"Oh, my gosh!", natatawa kong sambit.

Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napatikhim ako.

"Wala, dinedma ako," balewala kong sagot.

"What?! Iyon lang?!", nanlalaki ang kanyang mata.

I shot my brows up. "Yup. Iyon lang,"

Eksherada siyang bumuntong-hininga.

"Akala ko ba naman may mala-nobelang confrontation na magaganap!", she let out a sigh na para bang nanghihinayang talaga siya na walang nangyaring ganoon.

Inismiran ko lang siya.

"Pero, girl, baka naman kasi hindi si Architect Desiderious 'yung Shade mo? Baka nagkamali ka lang?", aniya.

Tinawanan ko lang siya. "Siya 'yon," tangi kong sambit at t'saka binuksan ang pc.

"Hindi nga? Para kasing ibang-iba 'yung ugali ng Shade na kinukwento mo sa ugali ni Architect Desiderious, e. Parang sobrang contradicting, alam mo 'yon?"

Ngumisi lang ako.

Humalukipkip ako at tumingin kay Ariana na parang tuta na nakatingin sa akin. Usisang-usisa talaga siya sa akin simula noong ikwento ko sa kanya ang nakaraan ko. It was hard to open up my past, but it was a part of me. I will not be who I am today without my past, but my past will not determine my present, even my future, my past remains in past, but all of the lessons I've learned will be forever embedded on me.

Nakakatakot mahusgahan kaya ilang taon ko ring tinago ang nakaraan ko, natatakot ako sa maaaring sabihin ng iba lalo na ng mga bagong taong nakilala ko na naging mahalaga na rin sa akin. Baka sa oras na ibahagi ko sa kanila ang nakaraan ko, layuan nila ako, but I overcome that.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. I rummaged on my files until I saw his picture. Napangiti ako.

Pinakita ko iyon kay Ariana. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na hinablot sa akin ang aking cellphone.

"What the hell...", she whispered.

Napatawa ako sa kanyang naging reaksyon.

"Si Architect Desiderious ito?!"

Napatingin ako sa paligid namin. Napatingin sa amin ang supervisor namin dahil sa biglang pagsigaw ni Ariana.

Napatutok tuloy ako sa pc kunwari ay busy ako sa aking ginagawa. Lumingon ako kay Ariana at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy gaga! Nakatingin si Engineer Santos sa'yo!", pabulong kong singhal.

Nakagat niya ang kanyang labi at maliit na ngumisi at umaktong busy sa kanyang ginagawa ngunit nasa kandungan niya ang aking cellphone at doon siya nakatingin. Sinusuri niya kung ang CEO nga ba ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin ngayon ang naroon.

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now