Kabanata 43

68 2 1
                                    


Kabanata 43


Nanginginig man ang aking katawan at nahihirapan man akong pakalmahin ang aking sarili, nagawa ko pa ring umakto sa harapan ni Nikko na parang ayos lang ang lahat kahit na parang pinipiraso ako kapag napapatingin ako sa kanyang mga mata.

Mabilis ko pinalis ang luhang tumakas sa aking mga mata. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Nikko.

"Nikko, baby...", pagtawag ko sa kanya.

Namumungay na ang kanyang mga mata dahil na rin sa antok at pagod. His head was resting on Shade's chest. Tumingin sa akin si Shade na para bang pinag-aaralan ako.

I averted my gaze. Alam kong mabilis niya lang akong mabasa, dahil dati pa man hirap na akong itago sa kanya ang emosyon ko.

"You want to sleep here, right?"

Parang nabuhayan sa sinabi ko ang aking anak. Napaayos siya ng upo at sunud-sunod na tumango.

I smiled. "You can sleep here just for tonight,"

I looked at Shade. His mysterious ocean green eyes bore into mine. I nodded at him.

"Talaga po?!"

"Yes, baby...", halos paos kong tugon.

Binalik ko ang paningin kay Shade.

"Problem?", he mouthed.

Inilingan ko lang siya. His jaw clenched.

"Mama, ikaw po? Dito ka rin ba matutulog?", my son's hopeful eyes darted on me.

Umiling ako. "Aalis lang ako saglit, iiwan muna kita rito kay Daddy mo. May aasikasuhin lang ako, but I promise, baby, I'll come back. You'll wake up with me on your side, 'kay?"

He nodded enthusiastically.

"Shade, can you me a favor?", baling ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, sa halip ay kinarga niya si Nikko.

"Wait me here, Melpomene. We'll talk," mariin niyang sambit.

I just nodded.

"I'll bring you to your room, Nikko," marahan niyang sambit sa anak ko.

"Wow, Daddy, I have room here?"

"Of course! I told you about that, did you forget already?"

"May clothes din po ako dito?"

"Oo naman,"

Dinig ko pa ang pag-uusap nila hanggang sa unti-unti iyong humina at katahimikan ang lumukob sa akin. Doon na tuluyang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko na kayang tumingin pa sa mata ng anak ko dahil si Nixon... siya lang ang naaalala ko.

Mabilis akong nagsalin ng tubig at inisang lagok iyon, umaasa na makakalma nito ang aking nanginginig na katawan.

Tumayo ako at naglakad-lakad habang paulit-ulit na inuutusan ko ang aking sarili na kumalma.

Nang bahagyang nakalma ko ang aking sarili ay agad kong tinawagan si Kion.

"Where's their bodies?", I asked coldly.

I heard him sigh. "Pupunta ka ba? Sino maiiwan kay Nikko?"

Dinig ko ang ingay ng busina sa background ni Kion. Mukhang pauwi na siya.

"Nandito ako sa penthouse ni Shade. Iiwan ko rito si Nikko,"

Silence engulfed us. Akala ko nga ay binaba na ni Kion ang tawag pero nang marinig kong muli ang buntong-hininga niya natanto kong hindi niya pa binababa.

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now