Kabanata 16

46 1 0
                                    


Kabanata 16


Nagtataka pa ako noong una kung bakit kami sumunod kay Shade sa mansyon, kung hindi ko pa tinanong si Jeanica hindi ko pa rin malalaman kung bakit ako sumusunod sa kanila pabalik sa mansyon.

Inanyayahan pala kami ni Shade na mananghalian na muna. Hindi ko rin napansin na tanghali na pala dahil nga hindi gaanong nagpapakita ang araw kaya hindi ganoon katindi ang init. Mukhang napatagal nga yata ang warm up at pag-te-test the waters namin, dahil mabilis naman ang naging pagperform namin ng mga routines namin.

Nang makarating kami sa mansyon ay tumungo muna kami sa kwarto upang magpalit bago bumaba sa sala na kung nasaan si Sir Kiyo at Tito Hendrix lamang ang naabutan namin. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya dumiretso ako sa kitchen. Bumagal ang aking kilos nang makita ko si Shade na nakatingin sa mga rekados na nasa harapan niya. Looks like he's in trouble.

Hindi ba siya marunong magluto? Bakit nag-aya pa siya na mananghalian dito? At paano naman siya nakakain kung hindi siya nagluluto?

Lumapit ako sa kanya when he lifted the knife and hold it, still unsure.

"You.. don't know how to cook?", I asked.

Ininom ko ang tubig sa aking baso habang nakatingin pa rin sa kanya. He lifted his gaze on me. Mukhang hindi na rin siya nagulat na nandoon ako.

He pursed his lips and he put down the knife. Humalukipkip siya at saglit na problemadong sumulyap sa mga rekados na nasa harapan niya bago binaling muli ang tingin sa akin.

"I know how to cook... but if it's only frying,"

Napatango ako. "Ako na dito," I volunteered.

Mukhang hindi lang prito ang gusto niyang gawin at halata namang hindi niya alam kung paano iyon.

Ibinaba ko ang baso sa sink at hinugasan muna iyon. Lumingon ako sa kanya nang makita ko siyang nakatingin pa rin sa akin, nagtataka.

I raised my brows. "Ako na rito. Marunong akong magluto," 

"I'll help you," aniya.

Saglit ko pa siyang sinuri bago nagkibit-balikat at hinayaan na lamang siya sa gusto niya. Kumuha muna ako ng pitsel at mga baso upang dalhin sa living room na kung nasaan ang mga kasama ko. Paniguradong uhaw na rin sila.

"Dalhin ko lang 'to sa kanila," sambit ko habang dala ang tray ng pitsel at baso. Naglagay rin ako roon ng prutas dahil nakita ko sa loob ng refrigerator na mukhang kakaunti pa lamang ang bawas ng prutas na pinamili namin ni Mrs. Aguilar.

Mukhang hindi nga talaga siya marunong magluto ng ibang ulam bukod sa prito. Napansin ko rin noong namalengke kami ni Mrs. Aguilar ay puro mga delata ang kanyang pinamili.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Shade at agad akong tumungo sa living room. Nang makalabas ako sa kitchen t'saka ko lamang natanto na nahigit ko pala ang aking hininga. 

Damn his effect on me! Paano pa kaya mamaya kapag magluluto kami? Bakit hindi na lang kasi siya pumunta sa living room at hayaan na lamang ako sa kusina? Wala naman akong nanakawin dito!

Naabutan kong nagtatawanan sila Tito Hendrix at ang mga kasama ko. Mukhang nagkukwento si Tito Hendrix ng kung ano.

Mabilis kong nilapag ang tray at umambang aalis na agad.

"Saan ka?", tanong ni Jago.

"Babalik ako sa kusina, magluluto ng tanghalian,"

Nangunot ang noo niya. "Do you really need to do that? Pagod ka na sa training, ah," pabulong niyang sagot.

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now