Kabanata 42

39 3 0
                                    


Kabanata 42


Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala sa balcony ng tinutuluyan ko. Umalis sina Nikko at Kion. Ipinasyal niya ang bata at nagpaiwan ako rito.

Sinabi ko na lang kay Nikko na masama ang pakiramdam ko dahil nagpupumilit pa ito na sumama ako. Gusto ko rin naman siyang makasama, kaso hindi ko rin naman ma-e-enjoy dahil sa mga nangyari.

Nag-ayos ako at napagpasyahang pumunta sa presinto. Nalaman ko mula kay Kion na buka sna bukas din, ihahatid sila patungo sa mas malaking kulungan sa Maynila. Doon din nila sasabihin ang mga koneksyon ni Yvanna sa kanila.

Kion said that Sebastian compiled a lot of evidences for the past years which connects everything to Yvanna. Sa mga nakalipas na taon, bukod sa pagtatago, kumalap siya ng mga ebidensya na makapagdidiin kay Yvanna, dahil sa naunang hearing napawalang sala ito dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Dapat ay nadiriwang ako ngayon at nagsasaya, dahil sa wakas, abot kamay ko na ang hustisyang matagal ko nang inaasam, pero hindi ko alam kung bakit napakabigat ng aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako.

Ang inalagaan kong galit ay parang balewala, parang walang saysay ito, dahil sa huli ako lang din ang naghirap na dalhin ito. Ang inakala kong paghihiganti na makapagpapasaya sa akin, ang inakala kong makapagpapasaya sa akin ang makita silang naghihirap, mali pala.

I craved happiness in my rage. Wala palang mapapala ang pagtatanim ng galit at paghihiganti.

Oo, gagaan ang pakiramdam mo dahil sa wakas, alam mong hindi lang ikaw ang naghihirap, dahil pinagbabayaran na nila ang mga kahayupan nila, pero... hindi ka pala sasaya.

You will not be happy to see someone suffering because of your happiness. Mahirap mahing masaya habang ang iba ay nagdurusa... my son, kasama siya sa masasaktan at mag-su-suffer.

"Melpomene...", Nixon smiled at me.

Humawak siya sa bakal ng selda at lumapit sa akin. "Akala ko hindi ka darating. Aalis na kami bukas,"

Hindi ako makangiti. Masyado akong nasasaktan na makita sila sa ganitong sitwasyon. I looked at Sebastian. Lumapit din siya at malungkot na ngumiti sa akin.

"Nasaan si Nikko?", tanong ni Sebastian.

I heaved a deep sigh. "Iaalis ko kayo rito,"

"Ano ba, Melpomene!", Nixon said in frustration. "Huwag naman ganito, oh,"
Naiiyak na naman ako. Nag-iwas ako ng tingin.

"Pinasyal ni Kion si Nikko..."

"Pwede bang huwag mong sabihin kay Nikko kung nasaan kami? Can you please say to him that I might not come back. Sa una iiyak iyon at magtatampo, pero sa una lang naman iyon. Your son is a smart one, Melpomene... mana sayo," he chuckled but pain was evideng in his eyes.

I bit my lip. Tumango ako sa kanya.

"Huwag mo na ring alalahanin ang kay Yvanna. Kami na ang bahala roon. Melpomene... you deserved to be happy. You deserved this, ginagawa namin ito hindi lang para kay Nikko at sa sarili namin, ginagawa rin namin ito para sa'yo. The past years has been harsh to you, and we want you to be happy and to move forward," Sebastian said.

Napatungo ako.

"Kaya please... Huwag kang malungkot, we want you to be happy, kayo ni Nikko... at ni Shade. You've been through alot, you both deserved the happiness we deprived from you,"

"Kapag sumimangot ka pa, iisipin ko talagang type mo ako," natatawang sabi ni Sebastian.

I chuckled and wiped the tears that escape from my eyes.

Shades of SadnessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang