Kabanata 19

32 1 0
                                    


Kabanata 19


Umalingawngaw ang malakas na tunog na nagmumula sa tambol na naging na dahilan ng pagbaling doon ng mga tao na nasa executive table. Mag-uumpisa na ang cheerdance performance ng STEM Strand kaya minabuti kong umalis na rin doon.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ko na kinailangan pabulaanan o sang-ayunan ang sinabi Shade, ngunit akala ko lang pala ay nakatakas na ako.

Saktong papaalis na ako roon nang biglang may kamay na kumagat sa aking papulsuan. Napalingon naman ako dahil sa iritasyon.

Bakit naman ang daming hadlang? Gusto ko lang naman makalayo roon?

"What the hell?!", singhal ko sa humawak sa akin, ngunit tila natutop ang aking labi nang makita ko kung sino iyon.

Agad na tumama ang kanyang misteryosong berdeng mga mata sa akin. Napalingon-lingon ako upang tignan ang mga taong nakapaligid sa amin at dumako rin ang aking paningin sa executive table, ngunit halos ang lahat ay nakatutok sa nagpeperform ngayon, kaya naman nakahinga ako nang maluwag, ngunit ganoon pa rin ang pagdagundong ng aking dibdib.

Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan dahil sa init na hatid ng kanyang kamay sa akin.

Saglit pa akong nagmasid bago ko siya hinatak papaloob pa sa crowd na nakapalibot sa court para walang masyadong makapansin sa amin. Ngunit dahil nga rin sa tangkad niya, agaw pansin pa rin kami, kaya hinatak ko siya pababa upang magpantay kami.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay blanko lamang na nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan niya ako.

I scoffed at him. Tinanggal ko ang paghahawak ng kanyang kamay sa aking palapulsuan at humalukipkip. 

"What do you think you're doing?! Paano kung may nakakita ng ginawa mo? Ano na lang iisipin nila?!", I hissed at him.

Halos sumabog na ako sa inis at kaba dahil sa nangyari pero parang wala lang siyang pakialam. Bumabakas pa sa kanyang mga mata ang pagkamangha na para bang ngayon niya lang ako nakitang magalit. Mas lalo lamang akong nainis.

"At ano iyong ginawa mo kanina? Why did you say that? Sa harap pa ni Mama!"

Bahagya siyang napanguso, ngunit huli na iyon dahil nakita ko na ang pagngisi niya.

"Do you find this funny?", iritado kong tanong sa kanya.

He looked at me tenderly which almost made me choke. Masyadong nakakagulat ang mga kinikilos nitong si Shade, hindi lang kami nagkita nang isang araw dahil iniiwasan ko siya naging ganito na agad ang pakikitungo niya sa akin. 

"Who's your boyfriend?", he asked instead of answering my queries.

My forehead creased at his question.

"Huh? What are you talking about?"

"Your boyfriend. I'm sure it's not Kion, so who's your boyfriend?"

Hindi ko alam kung bakit parang nabakasan ko ng pagkaaliw ang tono niya nang itanong niya sa akin iyon.

"Bakit ka interesado?", pabalang kong tanong.

Umayos siya nang pagkakatayo kaya napatingala ako sa kanya. He leaned as he put his hands inside the pocket of his jeans.

"What's with you babe? Are you upset that I'm leaving you after my confession?"

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tinuran. "W-What?! Me?! Upset?! Of course not! Ano ba kita?! Hindi naman kita boyfriend eh!", pautal-utal kong singhal sa kanya habang iniiwwas ang aking mga mata.

Shades of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon