Kabanata 28

32 2 0
                                    


Kabanata 28


"Oh, hijo! Gising ka na pala! Sumabay ka na sa amin mananghalian,"

Hindi ko na kinailangan pang lingunin kung sino iyon. Kilalang-kilala ko na iyon, at nagkita na rin naman kami kanina.

Tahimik akong nagsandok ng kanin at naglagay sa aking plato. Inabala ko rin ang aking sarili sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Nixon.

"Taste this. Promise, masarap ang luto ni Mrs. Aguilar," nakangiti kong sambit habang nilalagyan ng buttered shrimp ang kanyang plato.

Hindi kumibo si Nixon kaya nilingon ko siya. Maayos lamang siyang nakaupo habang nakatingin sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo.

I raised my brows. "What?", I mouthed as I continue placing buttered shrimp on his plate.

Umiling lang siya.

"Melpomene! Nagkita na ba kayo ni Shade? Kauuwi niya lang nitong nakaraang araw," sabi ni Mrs. Aguilar.

Napangiwi ako at bumaling sa kanya. Iwas na iwas akong tignan si Shade na nasa kabisera ng hapag-kainan at nasa gilid lamang ni Mrs. Aguilar.

"Ah.. opo. Nagpunta po kami sa library ni Nixon. Nakita po namin siya roon,"

Nalukot ang mukha ni Mrs. Aguilar at agad na bumaling kay Shade, at nagbigay iyon ng pagkakataon sa akin na muling bumaling sa aking plato.

Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako lilingon sa kanya.

"Hay naku kang bata ka! Nagpuyat ka na naman ba kaaasikaso ng negosyo niyo?", dinig kong sermon ni Mrs. Aguilar.

Wala akong narinig na tugon bukod sa isang buntong hininga na alam kong galing kay Mrs. Aguilar.

"Akala ko ba kaya ka narito para magpahinga?"

"Tita, I have work here,"

Sumulyap ako sa kanila at nakita ko si Mrs. Aguilar na pumalatak.

"Anong work ang sinasabi mo d'yan? Eh, hindi na ikaw ang architect noong nasa school!"

Oo, after a month, matapos umalis ni Shade, tinuloy ang construction ng building sa school pero ibang architect at engineer na ang naka-assign doon. Kaya kahit anong pilit ko sa sarili ko noon na maniwala sa kanya na babalik siya, alam kong nagpapakatanga lang ako. Mas napatunayan ko lamang iyon noong malaman ko ang tungkol sa kanila ng kapatid nina Yves.

"Tita Sherra, I thought I already said this to you?", marahan niyang tanong.

"Ang kulit mong bata ka talaga. Hindi mo naman na kailangang kuhain ang trabaho ng architect na iyon, patapos na rin naman ang building. Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang dito. Treat this as your vacation,"

Nagtuloy-tuloy ang panenermon ni Mrs. Aguilar. Feeling ko nga ay hindi na niya napapansin na may kasama pa siya sa lamesa bukod kay Shade, though ayos na rin sa akin iyon, hindi ko kailangang magsalita, ang kailangan ko lang gawin ay ubusin ang pagkaing nasa plato ko.

"Parang nangayayat ka nga, oh! Pinapabayaan ka lang ba ni Shenna na magpakapuyat sa trabaho, ha? Kung ganoon siya sa'yo roon, dito sa akin hindi uubra iyan,"

Saglit akong tumingin kay Shade, at tama nga si Mrs. Aguilar, pumayat siya. Hindi ko siya masyadong nasuri kanina dahil mas nauna pa ang pagkataranta ko kaysa ang suriin pa siya.

Mukha nga siyang napabayaan sa trabaho, pero... hinahayaan lang siya ng girlfriend niya? Kung anuman ang dahilan, I don't fucking care.

Karma na niya iyan. Though, I don't wish his health to fail, I'm not that evil. He hurt me, yes, but I don't wish him to feel the same that I felt that time. We shouldn't wish someone to experience the misfortune that we experienced, that's just so evil of us... and that is so selfish.

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now