Kabanata 13

44 1 0
                                    


Kabanata 13

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga pisngi ng Papa ni Shade. It was as if he was breaking, and I know just like him, we both couldn't take the revelation that has been unraveled just now.

My mother has been gone through a lot, and us, we couldn't even protect her. Alam kong sinisisi ni Tito Hendrix ngayon ang sarili niya. He's her bestfriend, yet he could not even protect her. Wala siyang nagawa para protektahan si Mama, at ako, nasa harap pa niya ang bunga ng madilim na kahapon ni Mama.

It was indeed a torture for my mother, and for Tito Hendrix. 

"N-No, s-she said she loves him. She said s-she loves your f-father," umiiling na sambit ni Tito Hendrix habang tulalang nakatanaw sa malayo.

Sa paraan ng pagsasalita niya at sa kanyang ikinikilos, alam kong katulad ko ay pinapaniwala niya lang ang sarili niya sa kung anong mas katanggap-tanggap sa kanya, pero hindi eh. Hindi iyon ang nangyari, kung ano ang naiisip namin, hindi iyon ang tunay na nangyari.

It was really heartbreaking.

Dapat talaga bumitaw na ako noong unang beses pa lang na sinubukan ni Mama na ipalaglag ako, eh 'di sana ngayon ay hindi magiging ganito si Mama. Hindi siya masasaktan nang ganito katindi dahil araw-araw niyang nakikita ang nagpapaalala sa kanya sa nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Eh 'di sana hindi na siya napilitang magpakasal sa lalaking iyon.

Kahit ba wala akong kinalaman sa nakaraan niya patungkol sa tatay niya, may koneksyon pa rin ako roon, dahil bunga din ako ng isang kamalian, bunga ako ng bangungot niya. At iyong ginagawa ng tatay niya sa kanya, bangungot iyon ng nakaraan niya na katulad ng nangyari sa kanya sa lalaking nakabuntis sa kanya at ako ang naging bunga.

My mother doesn't deserve this kind of pain! She doesn't even deserve to be hurt and to experience this kind of bullshits! Bakit hinayaan Niyang mangyari ito sa Mama ko? Bakit ang Mama ko pa? 

Fuck His reasons! Anong magandang rason ang ibibigay niya sa mga nangyayari sa buhay ni Mama? For her to become strong? Ayun ba? That's bullshit!

Kung iyon ang rason niya, may iba pa namang paraan para makuha ni Mama ang lesson para maging matatag! Bakit sa ganoong paraan pa? 

Diyos ba talaga Siya? Bakit ganito ang ginagawa at pinaparanasan Niya kay Mama? Kung totoong kasama natin Siya lagi, bakit hindi Niya makita ang paghihirap ni Mama?! Bakit hindi Niya makita na sobra-sobra na ang ginagawa niya! 

Akala ko ba hindi siya mapagparusa?! Eh bakit parang pinaparusan Niya si Mama?! Bakit si Mama pa?! My mother... based on what Tito Hendrix said, she was a good lady. Sobrang bait ng Nanay ko! Bakit siya pa ang binibigyan ng ganitong parusa?!

Anong nagawa ni Mama para bigyan Niya ng ganito katinding problema?! Ng ganito ka-walang kwentang buhay?! Bakit hindi Niya parusahan ang mga taong halang ang kaluluwang pumapatay ng tao! Literal na kumikitil ng buhay at iyong mga halang ang bitukang kumikitil ng pag-asa katulad ng hayop na nanggahasa kay Mama!

Tangina. Bakit Niya pa ako binigay kay Mama? Para ipaalala ang mga bangungot ni Mama? Tangina talaga.

"Tito, does God really exists?", I asked blankly as tears stream down to my cheeks.

Hindi sumagot si Tito Hendrix pero patuloy ko pa ring naririnig ang mahihina niyang hikbi. Hindi ko akalaing ang isang Hendrix del Aguila narito sa harap ko ngayon, at pareho kaming umiiyak para sa isang tao... para kay Mama.

"If He really exists, is He the Punisher God? Bakit parang pinaparusahan Niya si Mama?!"

Kumawala ang aking hikbi. Naninikip ang aking dibdib at nananakit ang aking mga mata dahil sa pagluha. Tito Hendrix pulled me into hug again. Gumanti at at patuloy na umiyak sa kanyang bisig.

Shades of SadnessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz