Kabanata 20

34 1 0
                                    


Kabanata 20


"Bakit hindi ka umattend kahapon?"

Nilingon ko si Jago nang itanong niya iyon. Nasa tent na kami at naghahanda na kami para sa surfing competition. Hindi gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw dahil mukhang uulan din yata, tamang-tama rin dahil mas maganda ang alon. Mas matataas at malalaki ang alon.

Naglalagay ako ng sunblock sa aking braso at sa binting hindi natatakpan ng suot kong swim gear. Hanggang itaas ng tuhod ang aking suot at t-shirt style naman ang suot kong pantaas na rashguard.

"May emergency lang sa bahay. T'saka late na rin kasi ako nagising," pagsisinungaling ko.

"Hinahanap ka kaya ni Kuya Shade kahapon," biglang singit ni Jeanica.

Lumandas ang kaba sa akin kaya napahinto ako sa pagkakalat ng sunblock sa aking katawan. Hindi ako umimik, dahil mahahalata lang nila na may mali kapag ibinuka ko pa ang bibig ko. Bukod doon, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

"May iuutos daw yata siya sa'yo," dagdag pa niya at lumingon sa akin.

"G-Gano'n ba?", napatikhim ako at umiwas ng tingin.

Tumango si Jeanica. 

"Tara na, guys! Naghihintay na si Sir doon sa baybay," ani Senzo.

Nagsisunuran naman kami sa kanya. Bitbit na rin namin ang aming mga surfboard. Naabutan namin si Sir Kiyo roon na may kasamang babae. Iyong tinutukoy kanina ni Kion na girlfriend daw ng Kuya niya. Nakapaikot ang braso ni Sir Kiyo sa baywang ng kanyang girlfriend at ang isa naman ay nakasuksok sa kanyang bulsa.

They actually looked good together.

Dahil sa naabutan namin, naghiwayan ang mga kasama ko at kinantyawan si Sir Kiyo.

"Nice one, Sir!", ngisi-ngising sambit ni Jaco at sumaludo pa.

Inalis ni Sir ang kanyang wayfarers at ngumisi rin.

"Jowa mo, Sir?", tanong naman ni Jeanica.

Tumango si Sir. "This is Karina, my girlfriend.."

Ngumuso si Jeanica. "Ay sayang, may jowa na pala si Sir...", dinig kong bulong ni Jeanica. 

Napahagikhik tuloy kami ni Raqi. Lumingon naman kay Jeanica si Senzo at nakita ko ang bahagyang pagnguso niya.

"Karina, they are my students," pagpapakilala ni Sir sa amin.

Ngumiti ang babae at kumaway sa amin. "Hello! Kiyo talked alot about you guys,"

"SIr, baka sinisiraan mo kami, ha," ani Jaco.

"Oh, no! He actually brags about your skills," sagot muli ng girlfriend ni Sir.

"Babe... baka magsilakihan ang mga ulo ng mga 'to. Hindi pa nga nakapagpeperform," pananaway ni Sir.

Natawa kami sa kanyang sinabi.

"Love mo talaga kami, Sir eh 'no?", ani Raqi.

Nakangising umiling si Sir.

"Hay, naku kayo talaga," aniya pa.

"Anyway, pinapunta ko kayo rito para sabihin na Women's edition ang una, sunod ang Men's edition at huli ang mixed, pero you should get ready na rin. You may test the water now," ani Sir.

Nagsitanguan kami at nagpaalam nang tutungo na sa dagat.

Nag-warm up muna kami bago kami nagsilusungan. May mga iilan na ring nasa dagat at sumasakay na sa alon nang tumungo kami roon.

Shades of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon