Kabanata 23

30 2 0
                                    


Kabanata 23


After that night, Shade left. 

After he confessed, he left.

Umuwi siya sa kanila dahil may mga kailangan din siyang ayusin, lalo na iyong issue patungkol sa gumuhong building. Nang gabing iyon, nagpaalam muli siya sa akin and he promised that he will come back before I could even notice that he's gone.

Hindi niya alam, noong mga oras pa lang na nagpaalam siya, ramdam ko na ang puwang sa aking puso. I missed him already.

Ganoon pa rin ang naging routine ko, sumasama pa rin ako kay Mrs. Aguilar tuwing pupunta siyang Isla Tesoro. Mas napapadalas siya ngayon dahil nga kailangan talagang panatilihing malinis ang mansyon dahil hindi alam kung kailan makababalik si Shade. Anytime he might show up.

Nahinto ang pagpapagawa ng building, pinagbawalan din ang mga estudyante na tumambay doon sa building, pero dahil dakilang pasaway kami ni Kion, mas pinipili pa naming tumambay roon. Hindi rin kasi nagagawi ang mga student council members doon, kaya safe kami roon.

Pero, minsan na lang din ako mag-cutting, I don't want to be intimidated by Shade successes, that's why I wanted to equal what he have to deserve him, so that I can say confidently that I deserve him.

I started to value my studies even more, bukod din sa sarili kong dahilan, sinermunan din kasi ako ni Shade bago siya umalis. Kahit daw wala siya, malalaman at malalaman daw niya ang mga ginagawa ko, maging ang pag-cu-cutting class ko.

Dyahe naman 'yun, at medyo nakakaturn off din, kaya napagpasyahan kong bawasan ang pag-cu-cutting. Nag-cu-cutting pa rin naman ako minsan, pero I don't think it will be considered as cutting, siguro free cut ang tamang term. Kasi umaalis lang naman ako kapag walang teacher.

I just couldn't stand my classmates. Masyado silang energetic at maingay para sa akin. Mas gusto ko ang tahimik at payapa, mabilis akong mairita sa mga maiingay. 

Kapag ganoon, hindi naman ako sinisita ni Nixon, baka masampal ko talaga siya. Wala namang teacher at wala namang pinapagawa, pipigilan niya pa ba ako?

My curiosity about the mystery sender of the bow and arrow also fueled, kaya bukod sa pagtututok sa pag-aaral, iyon ang pinagkaabalahan ko nang wala si Shade, alamin kung sino ang nagpadala sa akin noon.

"Sino nga nagpabigay sa'yo? Promise hindi ko ipagsasabi at hindi ko rin naman aabangan," pangungulit ko sa CAT officer na nag-abot sa akin nung regalo.

Napakamot siya sa batok. "Bawal kasi talaga, Melpomene. Ako mayayari nito eh,"

I shot my brows up. "So? CAT officer din? Sabi mo mayayari ka, eh,"

He let out a deep sigh. "H'wag mo na kasing alamin, Melpomene,"

"I have the right to know!"

"I have the right to remain silent. I plead the fifth," panapos nito at iniwan na ako.

Sinundan ko siya. HUMSS student ata ito, daming sabi sa batas eh.

Tumingin ako sa kanyang ID, upang malaman ang kanyang pangalan. Ilang araw ko na siyang kinukulit ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

"Lyle,"

Napahinto siya at kunot-noo akong tinignan.

"Hindi ko pa rin sasabihin. Bawal kasi talaga, Melpomene,"

"Hindi naman niya malalaman na nalaman ko!"

"Malalaman niya! May mata 'yun sa paligid,"

"Tao ba 'yang tinutukoy mo o CCTV?", natatawa kong tanong.

Shades of SadnessOnde histórias criam vida. Descubra agora