Kabanata 7

51 3 0
                                    


Kabanata 7


"Ha?"

Alam kong mukha akong tanga, pero mas nakakatanga 'yung sinabi niya.

Tumikhim siya at tumayo. Naglakad siya patungo sa kanyang table at kinuha ro'n ang kanyang laptop. Nakita kong patungo siya sa isang maliit na pintuan.

Kwarto ba iyon? Ngayon ko lang napansin 'yun.

"T-Teka! Hoy! Saan ka pupunta? Iiwan mo ako rito?!", singhal ko at dali-dali tumayo.

Tamad siyang lumingon sa akin. "I demanded you to stay to clean my office. Now, can you let me go? I still have to finish this," aniya at bahagyang inangat ang kanyang laptop.

Wow lang ha, kanina sabi niya lang 'I demanded you to stay.' period. Yun lang! Ta's ngayon may dagdag na?

"Hindi ko alam palabas! Kailangan ko na ngang umuwi!"

"Then, umuwi ka," kibit balikat nitong sambit at pumasok na sa kwartong iyon.

I almost pulled my hair because of frustration. Padarag akong bumagsak sa couch at tinignan ng masama ng breakfast na dala ni Shade.

"Damn you," I hissed while looking at the pancakes and coffee, but right at that moment the borborygmi of my stomach started to attacked my ears that made me more frustrated.

Traydor 'tong t'yan ko!

Kaysa magpakamatay sa gutom, pinili ko na lang na kainin ang ginawa niya. I realized that the food was not accountable for what he did.

Nilinis ko na rin ang oofice niya matapos kong kumain. Wala naman na akong choice eh, hindi ko alam ang daan palabas, at sinabi rin ni Mrs. Aguilar na ako ang bahala kung may kailangan pa si Shade, at dahil hindi ng ako makatanggi kay Mrs. Aguilar, s'yempre gagawin ko talaga 'yun. Malay ko bang sumbungero pala 'tong si Shade, at baka isumbong pa ako kay Mrs. Aguilar.

Sana lang talaga at nakakain na si Mama. I'm not really sure if the food that I bought last time would last until afternoon today.

Dahil sa paglilinis, nakita ko ang aking shoulder bag na sa pagkakaalala ko ay naiwan ko sa kubo.

Kinuha ni Shade sa kubo?

Wow, ang bait.

Binuksan ko iyon at hinanap ang aking cellphone. Agad kong binuksan ang data upang makita kung anong announcement sa group chat namin. Sabi nga pala ni Jeanica kahapon na may training ulit kami ngayon!

Pagkabukas ko palang ng data connection ko ay halos malunod ako sa notifcations ko. Karamihan ay puro mention sa akin sa gc at tinadtad dina ko ng chat ni Jago. Inuna kong buksan ang gc.


3:53 pm, Saturday

Jago Santianez: nagchat ba sainyo si @Melpomene na nakauwi na siya?

Jeanica Asistio: Praning naman nito 

Jeanica Asistio: Jowa ka?

Jaco Santianez: hoy @Jago! Magdeliver ka na dun!

Jaco Santianez: Nakuha pang makipag-chat amputa.

Raqi Malonzo: Sir @Kiyo, may nagmumura, Sir oh.

Jaco Santianez: Sir @Kiyo, may sumbungera, Sir oh.

Kiyo Villaluz: Sir @Kiyo, may gustong ma-kick, Sir oh.

Jeanica Asistio: HAHAHAHAHHA EGULS KAY SIR

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now