Kabanata 22

27 2 0
                                    


Kabanata 22


Hindi talaga natinag ang babae kahit na pinagbantaan ko na siya. Tinuloy niya pa rin talaga ang pagdidiin sa akin. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya, eh siya nga itong nagbabalak ng masama sa akin. Nagback fire lang ang plano niya, nanisi na agad ng iba.

We don't really like the taste of our own medicine, eh?

Bago pa man ako makarating sa tent namin ay hinarang ako ng taong hindi ko inaasahang mangingialam sa sitwasyon ko ngayon.

"Congressman," I gave him a slight bow dahil maraming nakatingin sa amin.

Hindi siya kumibo at nakatingin lamang siya sa akin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan.

I gave him a puzzled look.

"I need to talk to you about something,"

"Is that... really important?"

"Kailan ba ako nakipag-usap sa'yo nang hindi importante?"

I pursed my lips. Nanatili akong nakatingin sa kanya bago tumango at tumalima sa gusto niya.

Nagtungo kami sa likod ng stage na kung saan walang masyadong tao.

"Accept your defeat," bungad niya agad nang makarating kami sa likod ng stage.

"What?", lito kong tanong.

"Let the girl what she wants. Accept your defeat,"

Nakuyom ko ang aking kamao. "I will never accept my defeat kasi hindi naman ako ang natalo. Isa pa, hindi totoo ang paratang niya!"

"True or not, it doesn't matter. You are defeated from the start. Hindi ka pwedeng manalo dahil pareho kami ng mama mo ang judge, people will talk about it,"

Mapakla akong natawa. "You should base on my performance not on my connections! At wala nga kayong pakialam sa akin, kaya walang rason para ipatalo agad ako dahil lang sainyo!"

He shrugged. Malamig ang tingin niya sa akin.

"Kaya ko lang naman sinabi sa'yo para maging aware ka, para hindi ka mabigla mamaya, but this was decided--"

"By who?", I cut him off.

"By all of us. The judges,"

Tinaliman ko siya ng tingin dahil mukhang balak pa niyang siraan si Tito Hendrix at Shade sa akin.

"Even the del Aguilas approved this,"

"You're lying..." I uttered in disbelief.

"Believe what you want to believe, but what I'm saying right now is the truth,"

Nanatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Ni hindi ko magawang maniwala sa mga pinagsasabi niya.

"Masyado ring naging matunog ang pangalan mo dahil sa nangyari kanina, if ever one of you got the place, may isa sainyong magsasalita, kaya it would be better if none of you get it,"

"Even if I'm the most deserving one? Aalisin niyo talaga sa akin iyon para sa ikatatahimik ng babaeng 'yon?"

He licked his lips. Humalukipkip siya at madiin akong tinignan.

"This was for the best, Melpomene. Try to understand the situation, not all the time it will favor you,"

Halos mapatawa ako sa sinabi niya.

Not all the time the situation will favor me? Alam ko na iyon! Kailan ba naman naging pabor sa akin ang sitwasyon?

Hindi niya kailangan pang sabihin iyon sa akin dahil alam na alam ko iyon. Of all people... ako pa talaga ang sasabihan niya noon.

Shades of SadnessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu