Kabanata 6

50 3 0
                                    


Kabanata 6


"Hindi ka talaga sasabay? Parang wala namang sinabi si Mrs. Aguilar kanina na maiiwan ka rito ah?", bakas ang pagtutol sa tono ng pagtatanong ni Jago nang ihatid ko sila sa may dalampasigan dahil naro'n na ang bangkang maghahatid sa kanila pabalik sa Buscar.

I smiled to assure him and nodded.

"Mauna na kayo, sinabihan ako ni Kuya Shade na magpaiwan daw muna ako. Baka may iuutos lang," tipid kong sagot.

Mas lalong nangunot ang kanyang noo dahil sa aking sinabi. Pumalatak ako at hinila siya patungo sa bangka. Mabuti na lang at nagpahatak din sa akin si Jago kaya hindi na ako nahirapang itulak siya papunta sa bangka. Siya na lang kasi ang hinihintay.

"Sige na!", pamimilit ko pa sa kanya.

Pumalatak siya at umamba ng akyat sa bangka ngunit humarap muna siya sa akin.

"P'wede namang iutos na niya agad para matulungan ka rin namin at makasabay ka na rin sa pag-uwi," pahabol nito na sinimangutan ko naman.

"Kulit naman,"

Sasagot pa sana si Jago nang bigla siyang binatukan si Jaco. 

"Dalian mo Jago! May part-time pa tayo sa bayan!", singhal sa kanya ng Kuya niya.

Napanguso siya at napakamot sa kanyang batok. He then sighed at smiled at me.

"Sige na nga! Basta h'wag kang papagabi! Sorry rin kanina,"

Ngumisi lang ako at pabirong hinampas ang kanyang likod. "Wala 'yon! Sige na! Baka hindi pa kayo makaabot sa part time niyo!"

Tumango siya at saglit na lumapit sa akin para bumulong.

"Kapag may ginawang masama sa'yo 'yang si Shade na 'yan, chat ka agad sa group chat ha,"

Tinulak ko siya at humalakhak. Sinenyasan ko siyang umakyat na sa bangka at agad naman siyang tumalima.

"Mag-chat ka ha!" pahabol muli nito na kinalingon nila Jeanica at tinukso kami dahil do'n. 

Napailing na lamang ako at sumagot. "Oo na!"

Naghiwayan lalo sila at tinudyo si Jago na nahihiyang nakatingin sa akin. Binatukan naman niya si Jaco na patuloy pa rin sa pag-aasar sa kanya.

"Bye Sir! Ingat po!", sambit kong muli bago bumalik ng dalampasigan.

Kumaway sila sa akin at gano'n din ako.

"Bukas ulit, Mel! Hapon naman daw! Sa group chat na lang daw pag-usapan 'yung ibang details!", sigaw ni Jeanica habang kumakaway.

Napatawa ako at tumango.

Nang makalayo na sila ay napabuntong hininga ako at tumalikod para pumunta na sa mansyon. 

Halos mapasabunot ako sa aking sarili nang matantong hindi pa pala ako nakakapagpalit dahil wala naman akong dalang spare clothes. Hindi ko rin naman inaasahan na maiiwan ako rito kaya wala akong dinalang pampalit na damit.

Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ako sa pagpasok sa mansyon o tatawagin ko na lang mula rito si Shade. Ayoko namang maputikan 'yung makintab na sahig ng mansyon, pero pa'no kapag nasa library pala si Shade? Eh 'di masasayang lang ang laway ko at mananakit lang ang lalamunan ko katatawag sa kanya?

Nakatulala lamang ako sa tapat ng nakabukas na front door ng mansyon na para bang may biglang darating na solusyon sa problema ko.

"What are you doing here? Go inside,"

Shades of SadnessWhere stories live. Discover now