" Well, let's just say that he's not a great cook" dahan dahan akong tumango dito.

" Weyt! Oy!" Napasigaw ako nung kumuha siya ng isang empanada at sinumulang kainin.

" Wfhat? Nagogotom na ako ehsh" puno ng pagkain ang bibig na sabi niya.

Napatampal nalang ako ng noo at umiling.

" Saan ito ilalagay ulit Nass?" Nahihiyang tanong ni Theo. Nginitian ko siya at tinuro yung isang parte nung lamesa sa may gilid nung covered field.

" Shall I call our men?" Tinanguan ko si Theo.

" Madami kaming nagawa kaya kasyang kasya sa lahat ng nandito." Sabi ko dito. Ngumiti siya tsaka naglakad palapit sa kumpulan ng mga tauhan nila.

Humarap naman ako kila Ema at sinenyasan na lumapit para kumain.

Masaya naman silang naglakad papunta dito.

Pwera nalang kay Nathan na hindi nila kasama.

" Asan si Nathan?" Tanong ko sa dalawa.

" Kailangan niya daw magcr" sagot ni Ema.

" Oy, hindi seryoso si Nathan sa sinabi niya. Ganon lang talaga siya minsan" nginitian ko silang dalawa at tumango.

" Okay lang. Naiintindihan ko"

" Girls" inalok ni Zeke ang dalawa nung empanada na namumula nilang tinanggap.

" S-salamat po, Maître" nginitian sila ni Zeke tsaka ako sinuksukan ng empanada sa bibig.

Tinignan ko siya nang masama.

" Kumain ka na, kanina ka pa siguro nagluluto" inirapan ko ito at kinuha yung empanada at nginuya.

" Pwede mo namang ibigay nalang, kailangan isuksok?" Nginisihan niya lang ako tsaka lumapit sa mga tauhan at sila naman ang inalok.

" Nass" biglang humawak si Keian sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Hmm?" Bahagya siyang ngumiti sa akin pero halata ang pagod sa mata niya.

" You okay?" Tanong ko. Tumango siya.

" Of course. Is that empanada?"

" Oo. Gusto mo kuha kita?" Aalis na sana ako para kumuha ng pagkain pero hinawakan niya yung wrist ko para isubo yung kinakain ko kanina.

Namula naman ako kasi nakatitig lang siya sa akin habang ngumunguya siya.

Eksena naman namin ay parang sinusubuan ko siya.

" S-sa akin yan eh. Pwede namang ikuha nalang kita." Seryoso parin siyang tumingin sa akin.

" Mas masarap kapag yung sa'yo ang kinain ko" napasimangot ako nang mapangisi siya.

Sinuntok ko yung dibdib nito at lumayo sa bisig niya.

" Hey. Sorry" yumakap siya mula sa likod at sa sobrang pagkahiya ay hindi ko namalayan nakain na niya lahat nung empanada ko.

" Hmm. It tastes wonderful, baby" bulong nito sa tenga ko na kinatigil ng katawan ko.

Hinayaan ko siyang yakapin ako.

Napansin ko naman na napakatahimik ng paligid kaya tumingin ako sa mga taong kasama namin.

Kaagad kong nilayo yung kamay ni Keian sa bewang ko at nanlalaki ang matang tinignan yung mga tao.

Lahat sila nakatigil lang at naktingin sa amin.

Mas namula naman ako.

" Tsk." Tumingin sa nga tauhan si Keian na may nanglilisik na mata.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now