"Nako. Nag-abala ka pa iha."

I chuckled. "Wala pong kaso sa'kin yan nay. Tara po, kain tayo." akmang ihahain ko na ang dala ko ng pigilan niya ko.

Napakunot noo naman ako. "Ako na. Sige na maupo kana dun."

I just smile at her. Napabaling naman ang atensiyon ko sa babaeng hindi man lang ako nagawang tingnan. Mukhang may mababasag akong TV ah. "Psst. Darling."

Napanguso na lang ako ng hindi parin niya ko tingnan. Napaka suplada ni ganda. Hmp. "Darling, oy."

"Bakit nandito ka?" sumagot nga siya, ang lamig naman ng boses niya. Tss.

"Bawal ba?"

She looked at me, plainly. "Diba sabi ko wag ka ng pupunta pa dito?"

Napangiti na lang ako. "Diba sabi ko din, pupunta parin ako."

Napatawa naman ako ng mahina ng irapan niya ko. Grabe ee. Napaka sungit naman talaga. "Kamusta ka? Sorry, ginabi ako. Sana hindi ka nainip." natatawang saad ko

Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa labi ko ng taasan niya ko ng kilay. Wow lang talaga. Konting push na lang, ngiti mo naman ang makikita ko. "Pustahan tayo, na-miss mo ko."

"Kahit habang buhay kang hindi magpakita sa'kin, hindi kita mamimiss."

Napanguso naman ako. Medyo harsh niya ah. "Nako darling, wag ka magsalita ng tapos. Baka bukas makalawa, kainin mo yang sinabi mo. Sige ka."

Inirapan niya naman ako. "Ewan ko sayo."

Napatawa na lang ako. Ang galing talaga, makita ko lang siya tanggal na lahat ng pagod sa katawan ko.

"Dike iha, halika kumain kana. Sumabay kana sa'min."

Nakangiting tumango ako sa kanya. Agad naman niyang inabot sa'kin ang pagkain ko. Natawa pa ko sa loob loob ko dahil sa sama ng tingin sa'kin ni Lorraine. Mukha siyang papatay ng tao. "Bakit ganyan ka makatingin? Crush mo ko 'no?"

She raised her brow to me. "You wish."

I chuckled. Damn it. She's really adorable.  "Gusto mo share tayo? Alam mo bang mas masarap kumain kung may ka-share ka sa plato mo."

"Hindi ko alam." she simply said

"Ngayon alam mo na. Tara, share tayo."

Isang matalim na tingin lang ang tinugon niya sa'kin. Hindi naman ako nagpatinag bagkus ningitian ko lang siya. Sa ganda kong 'to, susungitan niya lang. Mali yun. Maling-mali. "Nay, wag niyo na po sandukan si Lorraine, share kasi kami sa plato ko. Gusto daw niyang ka-share ako ee."

"What the?! Hindi ko sinabi yun!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad akong tumabi sa kama niya. Napangiti na lang ako. Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito kalapit. "Umalis ka. Ang lapit mo masyado."

I chuckled. "Let's eat darling."

"Umalis ka sa-.."

"Lorraine, anak. Hayaan mo na si Dike, pagbigyan mo na."

My smile widened. Shet lang na malagkit. Napatingin ako kay Nanay Melba na nakangiting nakatingin na din pala sa'kin.

Thank you nay!

Saglit ko lang siyang pinagmasdan. Hindi ko lang lubos akalain na mas maganda pala siya sa malapitan. Kahit na may pagkaputla ang balat niya, hindi parin maitatanggi ang gandang taglay niya.

AddictedWhere stories live. Discover now