Chapter 27: Pregnant

Start from the beginning
                                    

“So, kaya ka nagpalit ng hairstyle ay dahil sa sinabi kong ‘yon?” she curiously asked him.

“Oo,” he answered. “Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Kahit pa mangahulugan 'yon na baguhin ko ang buong pagkatao ko. Dahil gano'n kita kamahal.”

“’Kala ko ba ako ang magpapakilig sa ‘yo?” she asked him. “Bakit parang ako na naman yata ang pinapakilig mo? But, you know what? Bagay na bagay sa 'yo 'yong gupit mo. You look clean, neat and good. Malayong-malayo sa ragged guy image mo no'n.”

“So, ‘yan na ba ‘yon? Pinapakilig mo na ba 'ko n'yan?” mapang-uyam nitong tanong sa kaniya.

“Hindi,” matipid niyang sagot dito.

“Eh, ano ba? Pa'no mo ‘ko pakikili–”

Hindi na niya pinatapos si Uriah sa sasabihin nito. She put her hand at the back of his head and pulled him close to her, crashing their lips together. Mayamaya lang ay naramdaman na niya ang pagpulupot ng mga kamay nito sa bewang niya at ang bahagyang pagyuko nito para mahalikan siya ng maayos. Nilagay naman niya ang isa pa niyang kamay sa batok nito while tiptoeing, giving him full access to her mouth.

Bigla niyang naalala ang unang halik nilang dalawa – kung halik nga bang maituturing ang aksidenteng pagkakalapat ng mga labi nila sa isa’t isa – dahilan kung bakit may munting ngiting gumuhit sa mga labi niya habang hinahagkan ito.

And, now, she's experiencing her first real kiss in this very romantic setting – at the veranda, overlooking the whole island, witnessed by the moon and the stars above.

“This transient house is really amazing,” komento niya nang maghiwalay ang mga labi nila para habulin ang mga hininga nila. “Bukod sa nakatayo ito sa tuktok ng isang bundok, the view's also spectacular. Sa tuwing pupunta ‘ko rito sa veranda para tanawin ang buong isla, pakiramdam ko’y isa ‘kong reyna – the queen of the kingdom of Tierras de Montaña!” malakas niyang wika habang nakaunan ang mga braso niya sa ere.

Uriah chuckled at her. Pero, sinakyan naman nito ang ideya niya. “Well, kung tutuusin ay reyna ka naman talaga. ‘Pag naging hari na ang ama ko ng Saudi Arabia, ako na ang susunod sa trono. At 'pag ako naman ang pumalit sa trono n'ya’y ikaw ang gagawin kong reyna. Kaso, 'yon ay kung papayagan sa batas nilang kilalanin ako bilang isang prinsipe rin na imposible namang mangyari. So, habang 'di pa nangyayari 'yon, pwede ka bang mag-tiyaga muna bilang reyna ng buhay ko?” Suddenly, Uriah knelt in front of her and fished a velvet box out from his pocket. Pagkatapos ay binuksan nito iyon at nakita niya ang isang solitaire ring sa loob niyon. “’Di na 'ko magpapaligoy-ligoy pa dahil ayokong pagsisihan 'ko balang araw na 'di ko sinabi sa 'yo 'to: Mahal na mahal kita, Alexandra Guevarra. Kaya, kung hahayaan mo 'ko, ayokong makasama lang kita sa susunod na labing-pitong taon ng buhay ko. Gusto ko, makasama kita habangbuhay at tumanda tayo ng sabay. So, will you marry me?”

OST: KLWKN by Music Hero

🏠🏠🏠

URIAH KHAN AND SANDY GUEVARRA: FROM ENEMIES TO LOVERS
by Samantha Rivera

IYAN ang pamagat ng article na ginawa ng bestfriend ni Lexi na si Sam tungkol sa kanilang dalawa ni Uriah. Nakuwento niya kasi rito nang nakaraang tumawag ito sa kaniya ang tungkol sa kasalukuyang relasyon nilang dalawa ni Uriah. Sam told her that their love story was newsworthy kaya humingi ito ng permiso sa kaniya kung pwedeng ibalita ang engagement nilang dalawa sa madla. Of course, humingi muna siya ng permiso kay Uriah para sa hinihiling ni Sam sa kaniya. Walang pagdadalawang-isip namang pumayag si Uriah Doon. Actually, gusto nga raw nitong ipagsigawan sa buong mundo na taken na siya nito and there’s nothing more qualified to report it to the world other than his own partly-owned company – the Daily Media Corporation.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now