Chapter 27: Pregnant

255 51 0
                                    

ONE week had already passed since that fateful night when Lexi almost lost her life, Nigel became an orphan at naging ‘in a relationship' sila ni Uriah sa isa't isa. Kaya, ito sila ngayong tatlo at nagbabakasyon sa La Isla Esmeralda para kalimutan ang masasamang pangyayari at i-enjoy ang buhay nila.

Nang madaling-araw ring iyon, kung kailan naganap ang tangkang pagnanakaw at pagpatay ni Mang Bong kina Sandy at Nigel, ay dumating ang mga pulis na tinawagan ni Uriah. Inaresto ng mga ito si Mang Bong at siniguradong mabubulok ito sa kulungan. Si Aling Wanda naman ay binurol lang nang ilang araw. Pagkatapos ay inilibing din kaagad. Si Nigel naman ay kinupkop na lang nilang dalawa ni Uriah at kasama na nilang nakatira ngayon sa Writer’s Block.

Hanggang ngayon ay malungkot pa rin si Nigel sa kinahinatnan ng pamilya nito, lalo na ni Aling Wanda, kaya naman pinapagamot nila ito sa isang psychiatrist para mawala ang Post Traumatic Syndrome Disorder nito dulot ng mga pangyayari.

Bagaman napakamahal ng bawat session ni Nigel sa psychiatrist nito ay ayos lang iyon dahil mayaman na sila ngayon. At iyon ay dahil sa jewelry collection na natagpuan nila sa secret vault sa Writer’s Block. Totoo ngang triple pa sa presyo ng Writer’s Block ang halaga ng mga alahas ng Mama niya. Pero, hindi niya binenta ang mga ito dahil naniniwala siyang kay Nigel pinamana ito ng Papa niya at si Nigel ang magdedesisyon balang araw kung anong gagawin nito sa kayamanan nitong iyon.

“Tulog na ba si Nigel?” tanong sa kaniya ni Uriah habang nakatambay ito sa veranda.  Pababa siya ng hagdan galing sa kwarto nilang magkapatid sa second floor kung saan niya ito pinatulog.

“Yup,” sagot niya rito nang makarating siya sa landing ng first floor. Pagkatapos ay nilapitan niya si Uriah at sinamahan ito sa pagtanaw ng mga bituin sa madilim na langit. “Salamat, Uriah, huh?”

“Para sa'n?” nagtatakang usisa nito.

“Sa pagdala mo sa 'min dito,” tugon naman niya rito. “Alam kong bilang member ng luxury island resort na ito ay binibigyan kayo ng pagkakataong mag-stay rito for a week kasama lang ang isang tao. Pero, sinama mo pa ang kapatid ko kaya alam kong nagbigay ka pa ng additional payment para sa kan'ya. Napakamahal kaya ng bayad dito!”

“Wala 'yon,” anito. “Saka, 'di naman na iba sa 'kin si Nigel. Kapatid mo s'ya. Mahalaga s'ya sa 'yo. At lahat ng mahalaga sa 'yo'y mahalaga na rin para sa 'kin.”

“Ikaw talaga,” Sandy blushed. Pagkatapos ay humilig siya sa balikat nito. “Pinapakilig mo ba 'ko?”

“Kinikilig ka naman ba?” ganting-tanong nito sa kaniya.

“Oo,” she admitted shyly.

“Sige nga! Ako naman ang pakiligin mo,” panghahamon nito sa kaniya.

“Okay,” she accepted Uriah’s challenge. “Let me try.” Then, inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakahilig sa balikat nito at tumayo nang tuwid. Hinawakan niya ang matitipuno nitong mga braso at hinarap ito sa kaniya. Pagkatapos ay pinakatitigan niya ito sa mga mata. “Alam mo, sa totoo lang, I like your new haircut,” she told him. “Napansin ko na s'ya nang gabing niligtas mo 'ko. Kaso, 'di ko na nakuhang sabihin sa ‘yo dahil masyadong preoccupied 'yong isip ko ng napakaraming bagay.”

“Akala ko naman ay ‘di mo na mapapansin ang bagong hairstyle ko,” medyo nagtatampong wika nito. “Ang tagal na kasi nang gupit kong ‘to ‘tapos ngayon mo lang napansin.”

“I’m sorry,” malambing niyang paumanhin dito. “Ang dami kasing nangyari nitong nakalipas na linggo. Nakukong si Mang Bong, binurol ay nilingon natin si Aling Wanda, ‘yong pagpapa-psychiatrist natin kay Nigel–”

“Alam ko,” nakangiting sabi sa kaniya ni Uriah as he clipped the strayed strands of her hair behind her ears. “Alam ko. Naiintindihan ko. Binibiro lang kita. Nasabi mo kasi sa 'kin no'n na guwapo pa rin ako para sa 'yo kahit magpagupit ako't makita ang peklat ko sa ulo.”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon