Chapter 1: A Superb First Meet

620 133 29
                                    

NASA loob ng isang mamahaling restaurant sina Sandy at ang bestfriend-slash-workmate niyang si Sam hindi para kumain kung 'di para sa isang scoop – isang major, major, major scoop. Although nakahain sa harapan nila ang mga pagkaing ngayon lang nila narinig ang pangalan sa buong buhay nila ay wala roon ang atensyon nila kung hindi nasa couple na nasa kabilang table kaharap nila.

Nakataas at nakadikit ang isang platong pasta sa mukha ni Sam at naka-posing na para bang model siya ng isang bagong brand ng spaghetti noodles habang kinukunan naman siya ni Sandy ng larawan sa pamamagitan ng professional camera nito. But, the truth is hindi naman talaga si Sam ang pini-picture-an ni Sandy kundi ang couple na nasa kabilang table katapat nila. Tinodo ni Sandy ang zoom in ng camera niya para makunan niya ng malinaw na larawan ang misteryosong couple na iyon.

"Siguradong worth it ang pag-order natin sa mga mamahaling pagkaing 'to 'pag naging trending ang gagawin kong article about sa picture na 'to. I can smell a big fat bonus for both of us," pabulong na wika ni Sandy kay Sam. Hindi maitago ang excitement sa kaniyang tinig.

"Oo nga," sang-ayon din ni Sam.

"Sige pa," wika niya rito. "Ipantay mo 'yang plato sa mukha mo."

Sinunod naman ni Sam ang utos ni Sandy nang may lumapit na isang lalake sa kanila.

"Excuse me," wika nito sa kanila dahilan para tumigil sila sa ginagawa nila at lingunin ang lalake. "Kanina ko pa kasi napapansing picture kayo ng picture d'yan sa pasta n'yo simula nang in-order n'yo 'yan mga thirty minutes ago."

"Ano bang pakialam mo?!" pagsusungit ni Sandy rito. "Food blogger kami, 'no?!"

"Tama s'ya," sang-ayon naman ni Sam sa kaniya. "Wait. Blogger ba o vlogger?" usisa nito sa kaniya.

Napakamot naman siya sa ulo dahil sa katangahan ni Sam. Kung 'di niya lang talaga matalik na kaibigan ang babaeng ito ay matagal na niya itong tinakwil.

"Ah, blogger pala, ah!" wika ng lalake. Pagkatapos ay hinawakan nito ang wig niya at hinila iyon dahilan para makilala siya nito. "Sinasabi ko na nga ba't ikaw si Sandy Guevarra!"

Nagkatinginan sila ni Sam at mabilis pa sa alas-kwatro ay dinampot nila ang mga gamit nilang dalawa at tumakbo papalabas ng restaurant. Mabuti na lang at kanina pa nila nabayaran ang in-order nila kaya hindi sila pinigilan ng mga staff ng restaurant nang lumabas sila.

Parehas silang humahangos nang makarating sila sa kotse. Pagkatapos ay kaagad na pinatakbo ni Sandy iyon palayo sa restaurant.

"May sumusunod ba sa 'tin?" tanong ni Sandy kay Sam.

"Parang wala naman," sagot naman nito sa kaniya.

"Sigurado ka?" usisa niyang muli rito.

"Oo nga," tugon naman nito sa kaniya.

Doon pa lang siya kumalma at medyo binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nang makarating sila sa isang malapit na park ay doon pinarada ni Sandy ang kotse at tiningnan ang nakuha nilang pictures kanina sa restaurant.

"Ito, oh!" tukoy ni Sam habang tinuturo ang isang larawan kung saan makikitang magkapatong ang mga kamay ng couple na kinukunan nila ng larawan kanina habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. "Mukha talagang may namamagitan sa kanilang dalawa sa picture na 'yan."

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon