Chapter 3: A Reporter's Revenge

334 119 9
                                    

The next day…

KASALUKUYANG nasa loob ng E.O.S. Entertainment Headquarters si Sandy to personally talk at, mabigat man sa kalooban niya, to apologize to Uriah. Because of her connections ay nagkaroon siya ng E.O.S. Entertainment Studio Tour ticket na naka-schedule sa mismong araw na iyon. Of course, nag-disguise at gumamit siya ng fake ID para hindi mabulilyaso ang plano niya lalo na at nasa teritoryo siya nito. Baka kasi may makakilala sa kaniyang siya si Sandy Guevarra na nabalitang bumato ng sapatos kay Uriah Khan at kaladkarin siya palabas sa lugar na iyon.

“And as you can see,” wika ng tour guide sa kanila. “This is our practice room.”

Paglingon niya sa silid na tinutukoy nito ay nakita niya ang C.U.P.I.D. boyband na nag-eensayo ng sayaw nila. Lumapit naman kaaagad ang mga kasamahan niyang tourists sa glass walls at nag-'hi' sa C.U.P.I.D. Pero, hindi naman pinansin ng C.U.P.I.D. ang mga ito.

“Sorry, guys! Pero, 'di kayo maririnig at makikita ng C.U.P.I.D. kahit anong gawin n'yo r’yan. Bukod kasi sa soundproof ang kwartong ‘yan, that room is surrounded by one-way mirror glass walls kaya nakikita natin sila sa loob. Pero, 'di nila tayo nakikita rito sa labas. Those glass walls serves as their mirrors para makita nila ang mga sarili nila habang nagpa-practice,” paliwanag nito sa kanila. Pagkatapos niyon ay sabay-sabay niyang narinig ang pagbuntong-hininga ng mga kasamahan niya. “C’mon, guys! Sinong nagugutom sa ‘nyo? Let’s go to the canteen.”

Nang sabihin ng tourist guide iyon, naisip niyang iyon na ang pagkakataong hinihintay niya mula kanina pa.

“Sa’n ang pinakamalapit na CR dito?” tanong niya sa tourist guide nila.

“May restroom sa canteen,” sagot nito sa kaniya.

“H-hindi na 'ko aabot do'n,” sabi niya rito habang kunwari ay namimilipit sa sakit ng tiyan. “Baka magkalat na 'ko rito.”

“Gano’n ba? Sige. Diretsuhin mo 'tong hallway na 'to,” turo nito sa kaniya sa tatahakin niyang direksyon. “Pagdating mo sa dulo, kumaliwa ka. Ando'n 'yong ladies' restroom.”

“S-sige. S-salamat. W-'wag n'yo na 'kong hintayin. M-mauna na kayo sa canteen. M-magtatanong na lang ako pa'no pumunta ro'n,” utal niyang sabi sa tour guide nila. Umaasang sana ay kagatin nito ang pain niya.

“Sige,” pagpayag naman nito. Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya nito. Pagkatapos niyon ay inakay naman nito ang mga kapwa niya turista papunta sa next destination ng mga ito. Samantalang siya naman ay nagtungo sa CR.

Kulang na lang ay magtatatalon siya sa tuwa dahil umayon ang lahat sa plano niya. Pero, alam niyang hindi pa rito nagtatapos ang lahat.

Makalipas ang ilang minuto at nang masigurado niyang nasa canteen na ang mga kasamahan niya ay saka pa lang siya lumabas ng ladies’ restroom para bumalik sa practice room.

“It’s now or never,” sabi niya sa sarili nang makarating siya sa pintuan ng practice room. Tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tinulak niya ang double glass door para mabuksan ito kahit pa may nakapaskil na signage doon na nakasulat:

DO NOT DISTURB.
PRACTICE ON-GOING.

Nang mabuksan niya ang salaming pinto ay kaagad din naman siyang  pumasok sa loob niyon. Tumigil ang C.U.P.I.D. boys sa pagsasayaw at nagtatakang tinitigan siya.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon