Chapter 24: Secret Vault

212 57 0
                                    

WITH Prince Hadji's help ay nakakuha kaagad si Sandy ng flight pauwi ng Pilipinas kinabukasan. Nagpupumilit pa sanang sumama sa kaniya si Uriah. Kaso, hindi siya pumayag, kahit ayos lang iyon sa nanay nitong si Lucinda, dahil nahihiya siya rito. Matagal din kasing hindi nagkita ang mag-ina at ayaw niyang putulin ang bonding ng dalawa. Kung siya nga lang ang masusunod ay ayaw niya pa sanang umuwi ng Pilipinas. Kaso, kailangan niyang umuwi ngayon dahil may appointment siya sa Best Reads Publishing Company bukas ng umaga tungkol sa pagpa-publish ng story niya.

Matapos ang halos isang buong araw na biyahe ni Sandy by air at by land, from Riyadh to Clark, ay nakauwi rin si Sandy sa Writer’s Block sa wakas nang bandang gabi. Nang makaalis na ang driver nang sinakyan niyang tricycle na naghatid sa kaniya pauwi ay luminga-linga muna siya sa paligid. Nang makasiguradong walang nakatingin sa kaniya ay inangat niya ang isa sa mga paso na nasa porch at kinuha ang susi mula sa ilalim niyon. Kaso, nang hawakan niya ang doorknob ng front door para sana ipasok ang susi roon ay natuklasan niyang nakabukas pala iyon na pinagtatakhan naman niya dahil nakakasigurado siyang ni-lock niya iyon bago sila umalis pati na rin ang lahat ng pwedeng daanan ng mga magnanakaw. Dahil doon ay bigla siyang kinabahan.

Hindi niya alam kung tatawag na ba siya ng pulis o kung papasok muna siya sa loob ng bahay para makasigurado kung pinasok talaga ang Writer’s Block ng magnanakaw. Kaso, paano kung mali siya ng hinala? Siguradong mapapahiya lang siya. So, she chose the latter. Pero, bago siya pumasok sa loob ng bahay ay naghanap muna siya ng kahit anong sandatang maaari niyang gamitin kung sakaling nasa loob pa rin ang magnanakaw. Nakita niya ang isang mahabang dos-por-dos sa lupa at dinampot iyon. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa porch at dahan-dahang binuksan ang front door. Pagkabukas niya niyon ay pumasok siya sa loob ng bahay at sinindihan ang ilaw.

Nang mailapag niya ang mga maleta niya sa sala ay sinuri muna niya ang buong first floor. Mukha namang walang palatandaang may nakapasok na magnanakaw rito dahil kung paano nila iniwan iyon ay ganoon pa rin naman iyon. Medyo nakahinga naman siya nang maluwag. Pero, hindi pa rin siya nakontento. Umakyat siya ng second floor at ch-in-eck isa-isa ang mga kwarto roon. Una niyang tiningnan ang kwarto nila ni Nigel. Pagkatapos ay ang mga guest rooms na ginawang stock room at mini-gym ni Uriah. To her relief ay maayos pa rin ang mga iyon. Only one room left unchecked – ang kwarto ni Uriah. Binuksan niya iyon and to her surprise ay nakita niya si Mang Bong sa loob niyon.

“Mang Bong,” tawag niya rito. Pagkatapos ay tinago niya mula rito ang hawak niyang kahoy sa likuran niya. “Ano pong ginagawa n'yo rito?”

“Ah… Eh… T-tiningnan ko lang 'yong butas sa kisame na pinapaayos ni Uriah,” utal nitong sagot. “T-tumutulo raw kasi 'pag naulan.”

Nauunawaan naman niya ang sinabi nito dahil ito ang caretaker ng Writer’s Block kaya natural na may susi ito roon. Kaso, nang tumingala siya para hanapin ang butas na sinasabi nito sa kisame ay hindi niya iyon makita. Kung tutuusin ay mukhang maayos naman iyon. Saka wala naman siyang nakikitang dala nitong tools na maaari nitong gamitin pang-repair. May pagdududang namuo sa isipan niya. Pero, mas pinili na lang niyang huwag i-entertain iyon.

“Ah… May butas po pala r'yan,” sabi na lang niya rito. “‘Di ko po kasi alam, eh. Parang wala naman po kasing nabanggit si Uriah sa 'kin na may tumutulo rito sa kwarto n'ya o baka nakalimutan lang n'yang sabihin sa 'kin.”

“S-siguro nga,” utal pa rin nitong sang-ayon. “B-bakit narito ka na pala ngayon? A-akala ko ba'y isang linggo pa kayo bago umuwi? N-nasa'n si Uriah?”

“’Di ko po kasama si Uriah,” sagot niya sa sunud-sunod nitong tanong. “Nauna na po 'kong umuwi sa kan’ya dahil may importanteng appointment po 'ko sa Manila bukas.”

“Ah… G-gano’n ba?” wika nito. “S-sige. A-alis na 'ko.”

Pagkatapos niyon ay walang kaabog-abog na lumabas si Mang Bong sa silid ni Uriah. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kabado itong kausap. Nahahalata niya kasi iyon sa pagbubutil-butil ng pawis nito sa noo. Sinuri niya ang loob ng kwarto ni Uriah. Mukhang maayos naman iyon at walang nawawalang gamit. Pero, para makasigurado ay naisip niyang tingnan ang loob ng cabinet ni Uriah. Kaso, naka-lock pa rin ang mga iyon at nakatitiyak siyang hindi nabuksan ang mga iyon simula nang umalis sila. Naisip niyang baka nag-o-overthink lang siya. So, mabilis siyang bumaba para habulin si Mang Bong.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon