Chapter 9: Peace Offering

283 93 6
                                    

HINDI inaasahan ni Sandy na makita si Uriah sa ganitong sitwasyon. Pero, mas lalong hindi niya inaasahan ang alok nito sa kaniya.

“Hoy!” untag nito sa kaniya nang hindi siya kumibo sa unang sinabi nito. “Ang sabi ko, tumayo ka na r'yan at pumasok sa loob ng bahay ko.”

“'Wag na,” tanggi niya sa alok nito habang hawak ang tent niya para hindi ito tuluyang liparin ng hangin. “Dito na lang ako.”

“'Wag na ngang matigas ang ulo mo!” saway nito sa kaniya. “Tumayo ka na r'yan at pumasok sa loob ng bahay ko!”

“Pabayaan mo na nga lang ako rito! Umalis ka na!” pagtataboy niya rito.

“Aba! Ako na nga 'tong nagmamagandang-loob sa 'yo, ikaw pa 'tong galit!” bulyaw nito sa kaniya. “Ang taas naman ng pride mo!”

“Bakit?! Sino bang nagsabi sa 'yong tulungan mo 'ko?!” mapagmalaking tanong niya rito.

Hindi na nagsalita pang muli si Uriah. His face went blank. Tinalikuran siya nito at nagsimulang maglakad papalayo. That was what she wanted. For him to leave her alone. Pero, bakit parang ang bigat ng kalooban niya habang naglalakad ito papalayo mula sa kaniya. Hindi niya alam kung iyong tubig-ulan ba na tumutulo mula sa bubungan ng tent ang dumadaloy sa magkabilaang pisngi niya o iyong mismong mga luha niya. She was about to lose her grip of the tent nang biglang naglakad pabalik si Uriah sa kinaroroonan niya at pumasok sa loob ng tent niya. Walang sabi-sabing kinuha nito ang dalawang Duffel bags niyang naglalaman ng mga damit niya at lumabas ng tent niya.

“Hoy! Anong ginagawa mo?! Sa'n mo dadalhin 'yang mga damit ko?!” nagtatakang tanong niya rito.

“Kung gusto mong manatili rito sa labas, bahala ka sa buhay mo,” walang-emosyong sagot nito sa kaniya. “Isasalba ko na lang 'tong mga gamit mo para 'di tuluyang masira.”

Aminin man niya o hindi ay parang gumaan ang pakiramdam niya nang balikan siya ni Uriah. Her heart leaped of joy again nang bumalik itong muli para kunin naman ang mga natitirang gamit niya.

“’Di ka talaga lalabas d'yan?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Uriah.

“H-hindi ko pwedeng iwan 'tong tent na 'to,” sagot niya rito. “M-may sentimental value 'to sa 'kin. G-ginagamit namin 'to ng parents ko 'pag nagka-camping kami nang buhay pa sila.”

“Sige,” wika nito. “Tulungan mo ‘kong iligpit ‘to.”

Ibang-iba ang Uriah Khan na nakikita ni Sandy ngayon at alam niyang walang halong pagpapanggap ang ginagawa nito dahil wala namang camera, paparazzi o reporters sa paligid. It was just him and her in the middle of this storm. Habang tinutulungan siya nitong iligpit ang tent niya ay hindi niya maiwasang huwag pansinin ang kakisigan nito. Kitang-kita niya ang matipuno nitong pangangatawan sa ilalim ng basang-basa nitong puting t-shirt. He even looked handsome nang suklayin nito sa pamamagitan ng mga daliri nito ang basang-basang, mahaba at itim nitong buhok. Para tuloy siyang nanonood ng lalakeng nagsa-shower sa harapan niya.

“Tara na,” aya nito sa kaniya nang bitbitin nito ang nakatiklop niyang tent.

Sinunod naman niya ang sinabi nito at tumakbo sila papunta sa bahay. Binuksan ni Uriah ang pinto at pumasok sila sa loob. Pero, hindi siya nagtuloy-tuloy sa loob. Nanatili lang siyang nakatayo sa doorway. Pakiramdam niya ay isa siyang bisita sa sarili niyang bahay. Or, maybe, she already accepted the fact na iba ang nagmamay-ari nito ngayon.

“Meron ka bang tuyong damit at tuwalya r'yan?” usisa sa kaniya ni Uriah.

“Sandali. Titingnan ko.” Binuksan niya ang Duffel bag niya kung saan nakalagay ang mga damit at tuwalya niya. Kaso, lahat iyon ay basa maliban sa short at undies niya dahil nasa bandang ilalim na parte niya nilagay ang mga iyon. “Nabasa ang mga t-shirt at tuwalya ko,” tugon niya kay Uriah.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon