Chapter 11: Housemate

250 86 4
                                    

NAKAHIGANG nagmumukmok si Uriah sa ibabaw ng higaan niya.

Pathetic. Nakakaawa. Iyon ang mga salitang paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya.

Mukha ba talaga 'kong kawawa? he asked himself. 'Yon din ba ang dahilan ni Jewel kung bakit s'ya nagpunta rito? Na kaya nito gustong mag-sorry sa 'kin ay dahil naaawa s'ya sa 'kin?

Ang alam ng lahat, maliban kina Clyde, Prince, Izzy, Dave, Lea and the former president of E.O.S. Entertainment – Claude Song – ay anak siya ng isang Arabo. Pero, ang hindi alam ng nakakarami ay hindi isang ordinaryong Arabo lang ang ama niya. He is, indeed, an Arab Prince. And, not just an ordinary prince. But, the crown prince of the Kingdom of Saudi Arabia. Pero, dahil ipinagbabawal na mag-asawa ng non-Saudi citizen ang isang kaanib ng royal family ay hindi pinakasalan ng ama niya ang ina niya. Tinago ng mga magulang niya ang tungkol sa relasyon ng mga ito sa isa't isa pati ang totoo niyang pagkatao.

So, growing up was really not that kind for him dahil bukod sa hindi buo ang pamilya niya, dahil hindi nga pwedeng magsama ang mga magulang niya kahit gaano kamahal ng mga ito ang isa't isa, ay hindi niya maaaring makilala ang totoong ama niya dahil masyado pa siyang bata para maintindihan ang sitwasyon nila nang mga panahong iyon. Pero, nang sumapit na siya sa hustong gulang ay pinagtapat din sa kaniya ng kaniyang ina ang totoo niyang pagkatao. Simula noon ay naiinis siya kapag may nagsasabi sa kaniyang nakakaawa siya dahil lumaki siyang walang kinagisnang ama. Mas kinaiinisan niya pa iyon kumpara sa nagsasabi sa kaniyang putok siya sa buho dahil kung alam lang ng mga ito kung sino ang tunay niyang ama ay sasabihin ng mga itong hindi siya isang kawawang nilalang.

His thoughts were suddenly disrupted when he heard a soft knock on the door. Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto. Mabilis naman siyang humiga nang patagilid, patalikod sa pinto.

“Kumusta ka na?” mahinahong tanong ni Sandy sa kaniya. “Masama pa ba ang pakiramdam mo?”

Hindi siya kumibo. Mayamaya lang ay naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa noo niya. Tulad kay Jewel ay naiinis din siya sa babaeng ito dahil ito ang sumira ng career niya. Pero, nagtataka siya kung bakit hindi niya tinabig ang kamay nito mula sa noo niya. Her touch was warm and it made him comfortable.

“May sinat ka pa rin,” nag-aalalang pahayag nito sa kaniya. “Kumain ka na muna para makainom ka na ng gamot.”

“Ayoko,” malamig niyang tanggi rito. “’Di ko kailangan ang awa mo.”

Naramdaman niyang lumundo ang gilid ng kama niya. Ibig sabihin, naupo si Sandy sa ibabaw niyon. Pagkatapos ay nagbuntung-hininga muna ito nang napakahaba bago ito nagsalita. “I’m sorry. I didn’t mean what I've said earlier. Nadala lang ako ng emosyon ko. Ikaw naman kasi, eh. Bigla mo na lang akong sinusungitan.”

“Baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil sinabi ko sa 'yong umalis ka na rito 'pag tumila na ang ulan,” nagdududang wika niya rito nang lingunin niya ito.

Biglang lumungkoy ang mukha nito. “Gano’n ba ang tingin mo sa 'kin?Pinagluto kita ng sopas saka ginawaan kita ng fresh orange juice. Inumin mo na lang 'yong gamot mo mamaya pagkatapos mong kumain. Alis na ‘ko.” Tumayo ito mula sa higaan niya at saka naglakad palabas ng kwarto niya.

He shouldn’t feel guilty for this girl. Pakialam niya kung lumayas ito sa bahay niya ngayon! For all he know ay baka nire-reverse psychology lang siya ng babaeng ito. Pero, kung ganoon, bakit naman siya nagpapadala sa pangre-reverse psychology nito sa kaniya? Bakit parang inuusig siya ng konsensiya niya dahil alam niyang nasaktan niya ito sa sinabi niya ngayon lang? She was about to exit his room nang pigilan niya ito.

“Sandali,” he said.

Huminto naman ito sa paglalakad at lumingon sa kaniya. “Bakit? May kailangan ka pa ba? Sabihin mo na agad para madala ko na sa 'yo bago 'ko uma–”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon