Chapter 6: Writer's Block

288 104 7
                                    

HALOS madurog na ang cellphone ni Uriah sa kamay niya matapos basahin ang article na ginawa ni Sandy tungkol sa kaniya. Idagdag pa ang masasakit na comments ng netizens tungkol sa kaniya na para bang alam ng mga ito ang totoong nangyari noon.

“Kelan ba matatapos ang problemang ‘to, Uriah?” konsumidong tanong ni President Clyde sa kaniya. “’Pag nabweltahan natin si Sandy, kinabukasan lang ay may bagong ipaparatang na naman s'ya sa 'yo. Pagkatapos n’on ay may ibubuwelta na naman tayo sa kan’ya. And, she’ll do the same thing to us the next day. The cycle just goes round and round. At sa bawat gantihan natin, the damage on both sides just becomes worse than before! Ang ayoko lang ay baka dumating ang panahon na baka masira ang pinaghirapan ng Papa ko dahil sa mga nangyayari ngayon.”

“So, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?” usisa niya rito.

“I don’t know, Uriah!” ubos-pasensyang tugon nito sa kaniya. “You tell me!”

Natahimik siya. Hindi niya rin kasi alam kung anong isasagot dito.

Makalipas ang ilang minuto ay si President Clyde din ang bumasag ng katahimikan. “I think you should take a leave.”

“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong niya rito.

“What I mean is magpahinga ka muna,” sagot nito sa kaniya. “Magpakalayu-layo ka muna hanggang sa humupa ang issue na 'to.”

“Ayoko nga!” mariing kontra niya rito. “Pakialam ko sa Sandy na 'yon! Basta ‘ko, magtatrabaho 'ko!”

“At ano?! Babatikusin ka lang nang babatikusin ng Sandy Guevarra na 'yon hanggang sa mawala nang tuluyan ang fans mo?!” President Clyde asked him which sounded more like of a statement. “We can’t risk that, Uriah! Mas magandang magbakasyon ka muna. Pagkatapos ay bumalik ka na lang 'pag malamig na ang lahat.”

“At pa’no ka naman nakakasiguradong titigilan nga 'ko ng Sandy Guevarra na 'yon sa oras na umalis ako?” mapanghamong usisa niya rito. “At sa oras na bumalik ako, pa'no ka rin nakakasiguradong 'di n'ya na 'ko muling guguluhin pa?”

“Naniniwala 'kong magsasawa rin s'ya sa paninira sa 'yo eventually,” tugon nito sa kaniya. “Lalo na 'pag 'di ka n'ya nakikita. Saka ako na ‘ng bahalang magpatahimik sa kan'ya. Pagbalik mo, sisiguraduhin 'kong 'di na s'ya makakagawa pa ng kahit na anong ikakasira mo.”

“Gusto man kitang sundin, 'pag umalis ako’y para ko na ring sinabing guilty ako sa mga binibintang ng pesteng babaeng ‘yon,” katwiran niya rito.

“’Wag kang mag-alala,” he assured him. “Tomorrow, magre-release ako ng statement in behalf of Tanner and Jewel to nullify all of Sandy’s accusations on you. Basta, just take my advice. Magbakasyon ka muna pansamantala.”

“Alam mo namang ‘pag nabalitaan ng nanay kong may bakasyon ako'y pipilitin lang ako n'ong magpunta sa Saudi,” nag-aalalang wika nito. “At alam n'yo namang 'di pa 'ko handang magpunta ulit do’n.”

“Then, why don’t you stay sa resthouse na binili mo sa Bataan?” alok ni Lea sa kaniya. “Maganda ang location mo ro’n. It's refreshing.”

“May resthouse ako sa Bataan?” ‘di makapaniwalang tanong niya rito.

“Oo,” sagot nito sa kaniya. “’Di mo na ba matandaan?”

Then, he tried to recall ang sinasabi nito sa kaniya. And, after a few seconds, doon niya ito naalala. A few years ago, out of luxury at dahil wala na rin siyang ibang mapaglagyan ng kinikita niya ay napag-isipan niyang bumili ng sarili niyang resthouse. Doon niya nakita ang isang napakagandang bahay at lupa sa isang probinsiya na inalok sa kaniya ng isang broker. Kaagad siyang naakit dito at binili kaagad iyon sa halagang ten million pesos.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon