Chapter 14: Meeting

238 77 1
                                    

URIAH KHAN SPOTTED WITH SANDY GUEVARRA?
by Samantha Rivera

A controversial photo has been circulating over the Internet between Uriah Khan, the new leader and member of C.U.P.I.D. Boyband who was currently on hiatus now, and the former Daily Showbiz reporter, Sandy Guevarra. After a long silence, the two were rumored to be seen yesterday somewhere within the city. As you can see from the photo below, the alleged Uriah was covering Sandy from the pouring rain using his leather jacket. From the picture, it can't be denied that it was really Sandy. But, was it really Uriah Khan or just some other man who looks like him? If it was really Uriah Khan, are they friends now or is it more than that? What happened with their fight before? Was it real or was it all just a farce?

"ANONG sabi ni President Clyde sa 'yo?" tanong ni Sandy kay Uriah.

Their morning was very tensed dahil sa tawag na natanggap nila mula kay President Clyde. He informed them about the trending article online patungkol sa kanilang dalawa. Much to their surprise, the news was published by Daily Showbiz. And it surprised her more nang malamang si Sam pa pala ang gumawa ng article na iyon.

She's a traitor, she thought. I shouldn't have trusted her.

"Nang una, mainit talaga ang ulo niya," sagot ni Uriah sa tanong niya. "Tinanong niya 'ko kung ako ba talaga 'yong nasa picture. Um-oo naman ako. 'Tapos, pinakuwento niya lang sa 'kin 'yong buong detalye saka 'yong totoong nangyari para alam daw n'ya kung anong sasabihin sa press. 'Tapos n'on, huminahon naman na s'ya."

Tatanungin niya pa sana kung galit si President Clyde sa kaniya. Kaso, hindi na niya nasabi iyon dahil biglang nag-ring ulit ang cellphone ni Uriah.

"Tumatawag 'yong manager namin sa 'kin," pahayag nito sa kaniya. "Siguradong mas mainit ang ulo nito kesa kay Clyde. Sandali lang sasagutin ko lang," paalam nito sa kaniya. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito at umakyat pabalik sa kwarto nito sa second floor. "Hello, Lea! Oh, 'wag kang high blood! Sige ka! Baka bumuka 'yang tahi ng Caesarian mo," biro nito sa kausap nito. Pagkatapos ay tumawa ito ng malakas. Hindi niya rin mapigilang hindi matawa sa sinabi nito.

Sa lumipas na mga araw na kasama niya si Uriah, napatunayan niyang totoo nga ang sinasabing ito raw ang pinakanakakatawang member ng C.U.P.I.D. Bukod sa mali-maling grammar at pronunciation nito sa tuwing nagi-Ingles ito ay malakas talaga ang sense of humor nito. Unti-unti niyang nararanasan ang pagiging kwela nito na hindi niya nakita nang una niyang makilala ito.

She stopped her own train of thoughts nang maalala niyang may ibang bagay pa pala siyang dapat asikasuhin. Kailangan niyang tawagan si Sam at alamin mula rito kung bakit nito ginawa iyon, kung bakit siya nito tinraydor. After several rings, Sam answered her call.

"H-hello?" utal na bati nito sa kaniya. Bakas sa boses nito ang kaba.

"Sam," usal niya sa pangalan nito.  "Why did you do it?"

"I... I'm sorry. S-si Tanner kasi... h-he threatened me, actually, lahat kami, na tatanggalin n'ya kami sa trabaho 'pag 'di namin p-in-ublish ang article na 'yon. Alam mo naman kung ga'no ko kailangan ang trabahong 'to lalo na ngayong nagkasakit ang tatay ko."

"Pa'no naman nagkaro'n ng say si Tanner sa kompanyang 'yan?" tanong niya rito.

"Well, it turns out that he's one of our biggest investors now," sagot ni Sam. "Way bigger than Uriah Khan."

"G-gano'n ba?"

"Oo," Sam affirmed. "Sasabihin ko naman talaga sa 'yo. Kaso, naunahan mo lang ako. 'Di ko nga alam kung bakit sa 'kin n'ya pa talaga pinangalan ang article na 'yon, eh!"

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon