Chapter 15: Housewarming

212 69 5
                                    

WHILE cleaning the house, dahil darating na sina President Clyde at Naomi mamayang gabi sa Writer’s Block, ay biglang naalala ni Uriah ang conversation nilang dalawa ni Lea – their group's manager – sa cellphone kahapon. Tulad nang kinuwento niya kay Clyde ay sinabi niya rin dito ang lahat ng nangyari kahapon nang lumuwas silang dalawa ni Sandy sa Manila.

Nang una ay galit talaga ito sa kaniya at puro sermon ang inabot niya rito. Pero, nang lumaon, matapos niyang magpaliwanag dito, ay huminahon din ito.

“Tulad nga nang sabi ni Claude Song who is the former President of E.O.S. Entertainment,” Lea said. “A part of our job is to keep C.U.P.I.D., and the other groups as well, intact. Pero, kung 'di na talaga kaya, kung hanggang do'n na lang talaga, wala na kaming magagawa pa.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya rito.

“Itanong mo na lang kay President Clyde 'pag dinalaw ka n'ya r'yan,” sabi nito sa kaniya. Pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag.

Naalala niya rin tuloy ang sinabi ni President Clyde sa kaniya nang tawagan siya nito bago si Lea.

Mukhang tinamaan ka na rin ni Mr. Kupido,” he said ambiguously matapos niyang ikuwento rito ang nangyari sa kanila ni Sandy.

“Anong ibig mong sabihin?” usisa niya rito.

“You’ll find out soon, bro,” tugon nito. Pagkatapos ay pinutol rin nito ang tawag.

And speaking of Clyde, narinig niyang may bumusinang sasakyan mula sa labas ng bahay. So, he thought na baka sina President Clyde at Naomi na ang mga iyon dahil sila lang naman ang inaasahan niyang darating. They came earlier than he expected dahil hapon pa lang.

Dahil nasa  supermarket si Sandy para bumili ng mga gagamitin nitong ingredients sa pagluluto ng mga ulam mamayang gabi para sa mga bisita nila ay iniwan muna niya ang winawalis niya para pagbuksan ang mga bisita nila ng pinto. Kaso, nang makita niya ang isang fuchsia pink na kotse ay napagtanto niyang hindi sina President Clyde at Naomi ang dumating.

“Jewel?” sambit niya sa pangalan nito ng lumabas ang driver niyon. “Ano na namang ginagawa mo rito? Bakit ka nagpunta rito?”

“I saw the article, Uriah,” sagot nito habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. “Is it really you?”

“Eh, ano ngayon kung ako nga 'yon?” he sarcastically asked her. “Anong pakialam mo?”

“Bakit magkasama kayong dalawa ni Sandy?” ganting-tanong nito. “Anong namamagitan sa 'nyong dalawa? Is she here?”

Tinalikuran naman niya ito at pumasok sa loob ng bahay. Sinundan naman siya nito

“Wala s'ya rito ngayon,” sagot niya rito habang umaakyat papuntang second floor. “Nagpunta s'ya sa bayan. Darating dito mamaya sina President Clyde. So, pwede ba? Umalis ka na.”

“Sinasabi ko na nga ba,” wika naman nito habang sinusundan pa rin siya. “S’ya 'yong nakasalubong ko rito nang nakaraang araw.” Papasok na siya sa kwarto niya. Gayundin naman ito. “Kailan pa kayo nagsimulang tumirang magkasama rito? How did this happen?”

Hinarap naman niya ito. “’Di ko kailangang sagutin ang mga tanong mo, Jewel. Wala kang karapatang malaman ang kahit na ano sa buhay ko simula nang piliin mo si Tanner kesa sa 'kin.”

“Pinuntahan kita dito dati dahil gusto kong humingi ng tawad sa 'yo dahil mahalaga ka sa 'kin at 'di ko kayang tuluyang magalit ka sa 'kin,” sinserong pahayag sa kaniya ni Jewel. “Pero, ngayon, humihingi akong muli ng tawad sa 'yo dahil na-realize kong 'di kita kayang tuluyang mawala sa buhay ko, Uriah. Dahil mahal kita. Mahal pa rin kita.”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon