Chapter 26: Saving Sandy

224 52 0
                                    

"I don't believe in courtship, it is a waste of time. If I love the person, I'd tell her right away. But for you, I'll make an exception. Love me now and I'll court you forever.”

-Ferdinand Marcos to Imelda Romualdez

11 hours ago…
Philippines, 4:00 PM
Saudi Arabia, 11:00 AM

“WALA ka bang dalang power bank?” inis na tanong ni Uriah kay Sandy. Damn! She misses her. Gusto niya pa itong makausap. Pagkatapos ay sasabihin nitong low battery na ang cellphone nito!

“Wala,” sagot ni Sandy sa kaniya. “Sige na. Mag-usap na lang tayo pag-uwi ko sa Writer’s Block. Maiidlip na muna 'ko.”

Nagbuntung-hininga muna siya nang malalim bago sumagot. “Sige na nga. Pag-uwi ko r'yan, pasasalubungan kita ng isangkaterbang powerbank! Tingnan ko lang kung ma-low batt pa 'yang cellphone mo sa buong buhay mo! Magpahinga ka na. Ingat!”

Then, he heard Sandy laughed. Mas lalo tuloy na ayaw niyang ibaba ang cellphone niya dahil gusto pa niyang marinig ang nakakaaliw na tawa nito. Gosh! He must’ve really fallen hard for Sandy.

“Ikaw rin,” ani Sandy. “I’ll call you when I get home. Bye!” Pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag.

Ilang sandali matapos makausap ni Uriah si Sandy sa cellphone ay may tumawag na naman sa kaniya. Nang tiningnan niya kung sino iyon ay nakita niya ang pangalan ng magaling niyang freelance private investigator, who is also his friend, na inupahan niya nang nakaraan.

“Hello, Uriah,” bati sa kaniya ng nasa kabilang linya.

“Hi, Magnus,” he greeted back. “May balita na ba tungkol sa pinaiimbestigahan ko sa 'yo?”

“Meron na,” sagot nito. “Totoo nga ang hinala mong ‘di anak ni Roberto Billabong, o mas kilala sa tawag na Mang Bong, si Nigel.”

“So, tama ba 'kong si Edgardo Guevarra nga ang tatay ni Nigel?” Uriah asked suggestively.

“Tama ka,” Magnus confirmed. “Ayon sa hospital records ni Roberto Billabong, nagkaro'n s'ya ng isang malalang tigdas nang bata pa s'ya. ‘Yon siguro ang naging dahilan kung bakit naging baog s'ya. ‘Di ko alam ang buong kwento. Pero, ayon sa mga taga-rito, nabuntis si Wanda Billabong ni Edgardo Guevarra nang panahong may sakit ang asawa nitong si Graciana.”

“Anong nangyari sa pakong tumusok sa likod ni Unicorn na pinadala ko sa 'yo?” usisa niya rito. “May mga fingerprints ka pa bang nakuha?”

“It’s been one hell of a job dahil maraming pinagdaanan ang pakong 'yon,” reklamo ni Magnus sa kaniya. “But, still, I was able to recover fingerprints from it. Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit walang nagma-match sa mga fingerprints na naro'n kay Nigel kung talagang hinawakan ng bata ang laking ‘yon.”

“Kung gano'n, alam mo ba kung kanino nagma-match ang mga fingerprints na nakita mo sa pakong 'yon?” tanong niyang muli rito.

“Bukod sa veterinarian na nagtanggal ng pakong 'yon, another fingerprint is much more dominant on it,” pambibitin ni Magnus sa kaniya.

“Kanino nga?” naiinip naman niyang tanong dito.

“Kay Roberto Billabong,” sagot nito sa kaniya.

Bigla niyang naalala nang panahong binibenta sa kaniya ang Writer’s Block. Kasama sa kasunduan nila ni Edgardo Guevarra na kapag binili niya ang bahay ay si Mang Bong ang magiging caretaker nito. Hindi naman na siya kumontra pa dahil kailangan nga naman niya ng mag-aalaga at magbabantay sa Writer’s Block habang hindi niya pa tinitirahan iyon at walang ibang mas kwalipikado sa posisyong iyon kung 'di si Mang Bong dahil kilala, alam at saulado na nito ang bawat sulok, pasikot-sikot at kabuuan ng bahay na iyon. Then, something dawned on him. Ayon kay Lea, hindi raw talaga nito nakausap ang may-ari ng Writer’s Block dahil may malubhang karamdaman na ito nang mga panahong iyon. Ang tanging nakakausap lang daw ni Lea ay ang representative nito na tumutugon din sa pangalang…

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon