Chapter 16: Overnight

222 69 0
                                    

ALAS-ONSE na nang gabi. Pero, hindi pa rin umuuwi sina President Clyde, Naomi at ang mga C.U.P.I.D. boys. Kasalukuyang nasa kusina sina Sandy at Naomi at naghuhugas ng pinagkainan nila kaninang hapunan.

Tinanggihan na ni Sandy ang tulong na inaalok ni Naomi. Kaso, mapilit ito. Mas gusto raw nitong kasama siya kesa makisali sa nag-iinumang mga lalake. Ayaw naman daw nitong uminom dahil paniguradong ito ang magmamaneho ng sasakyan mamaya pauwi.

"You know what? I think Uriah likes you," Naomi said out of the blue.

Nabigla siya sa sinabi ni Naomi. Tiningnan niya ito na para bang tinubuan ito ng isa pang ulo. Pero, nagseselos nga ba ito?

Sabagay, kanina pa kasi niya napapansing parang wala ito sa mood mula nang nag-dinner sila. Hindi niya alam kung bakit biglang nagkaganoon ito. Basta ang alam lang niya ay sumisimangot at nagsusungit ito sa tuwing lumalapit at kinakausap siya ni Prince. But, she knew that it's just plain impossible.

"'Di siguro," she contradicted. "Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

"Because he's very possessive of you!" Naomi stated. "'Di mo ba nakikita kung pa'no s'ya mag-react sa tuwing nagpapakita ng interes sa 'yo si Prince?"

"Parang 'di mo naman kilala ang mga Arabo," wika niya rito. "Conservative lang 'yon. Saka, alam mo bang nakalagay sa kontratang pinirmahan ko sa kan'ya na 'di ako pwedeng mag-boyfriend habang empleyado n'ya 'ko?!"

"Si Uriah? Conservative?" 'di makapaniwalang wika nito sa kaniya. Pagkatapos ay humalakhak ito. "Ewan ko lang, ah!"

Sa kabila niyon ay nagtataka naman siya kung bakit imbis na ang issue tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Uriah kahapon ang pag-usapan nila, dahil alam niyang iyon nga ang pinunta ng mga ito sa kanila, ay ang love life niya ang topic nila. Nahihiya naman siyang i-open ang topic na iyon dito. Kung kaya hinayaan na lang niyang hindi nila pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Anyway," pagpapatuloy nito nang huminto ito sa kakatawa. "Gusto ko lang mag-sorry dahil sa mga nasabi ko sa 'yo nang una tayong magkita. I'm just doing my job that time."

"Ako rin. Gusto ko ring humingi ng tawad sa pagsusungit ko sa 'yo rati," she sincerely apologized to her. "Sinusubukan ko lang kasing protektahan ang bahay na 'tong akala ko'y pinamana sa 'kin ng mga magulang ko."

"I understand," nakakaunawang wika nito. "So, can we be friends?" Inabot nito sa kaniya ang kamay nitong puno ng bula ng sabong panghugas ng plato.

"Oo naman!" she smilingly replied. Pagkatapos ay tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito with her hand which is also covered with soap suds. "Friends."

"So, ngayong magkaibigan na tayo, baka pwede mo namang i-share sa 'kin ang recipe mo ng kilayin?" usisa nito sa kaniya nang bitiwan nila ang kamay ng isa't isa. "May gusto lang kasi 'kong paglutuan n'on."

"Sure," pagpayag niya rito.

Lumingon naman si Naomi sa bandang porch. Pagkatapos ay nakita niyang parang kinilig ito.

🏠🏠🏠


"SINONG kinikindatan mo r'yan?" tanong ni Uriah kay Cyrus nang mahuli niyang may kinikindatan ito sa loob ng bahay. Nasa porch kasi silang mga boys at nag-iinuman. Iniwan nila sina Sandy at Naomi sa loob ng bahay para makapag-bonding habang naglilinis ng mga pinagkainan nila.

"Kinikindatan? Wala, ah! Napuwing lang 'yong mata ko," Cyrus answered defensively habang kumukurap-kurap.

Binigyan niya ito ng isang ngiting-aso habang hawak ang bote ng beer. Obviously, Cyrus and Naomi likes each other o baka nga silang dalawa na, eh! Kaso, hindi inaamin ng mga ito kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. It's like an open secret. Hindi naman dahil sa rule na bawal makipag-relasyon ang isang E.O.S. artist sa kapwa nito E.O.S. artist or employee dahil tinanggal na ni President Clyde ang rule na iyon, kung 'di dahil rookie pa lang si Cyrus at hindi pa masyadong nakakagawa ng solid fanbase. And, based on statistics and research, kapag nalaman ng mga fans nito na may girlfriend na ito ay baka mawala ang mga fans nito. Sa tingin niya ay halatado naman ni President Clyde ang tungkol sa relasyon nina Cyrus at Naomi. Pero, parang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan lang ito dahil professional naman ang dalawa. Hindi mo mahahalatang may relasyon silang dalawa lalo na sa harap ng ibang tao. Mahahalata mo lang talaga iyon kung close ka sa kanilang dalawa tulad niya.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now