Chapter 20: Favor

224 65 1
                                    

“HI, abnay!” maligayang bati ng babae kay Uriah nang tinawag siya nitong 'Um'.

Um, anong ginagawa mo rito?!” pambungad na tanong ni Uriah sa babaeng Muslim. “Pa’no mo nalamang narito 'ko?

“Ahm… Excuse me,” pasintabi niya sa dalawa. “Sino s'ya, Uriah? Saka, bakit tinatawag mo s'yang 'Um'?”

’Um’ means mother in Arabic,” the Muslim woman smilingly answered at her. “By the way, I’m Uriah’s mom. My name's Lucinda. Tawagin mo na lang akong hamāh.”

“Um!” tawag ni Uriah kay Lucinda na para bang nagpo-protesta.

Limadha a?! La haraj fi ma qultuh. 'Ana 'ahbaha lika./ لماذا ا؟! لا حرج في ما قلته. أنا أحبها لك.)” Then, Lucinda smiled at her. She smiled at her, too. Bagaman hindi niya naintindihan kung anong sinabi nito.

Uriah hissed at his mother.

She elbowed Uriah’s ribcage. Pero, parang hindi man lang ito nasaktan. “Ano ka ba?! Bakit gan'yan ka makipag-usap sa nanay mo?!”

Binalingan naman niyang muli si Lucinda at nginitian ito. “Pagpasensyahan n'yo na po ang anak n'yo, ḥamāh. Wala po talagang manners 'yan. Pasok na po kayo, hamāh.”

Tinanggap naman ni Lucinda ang paanyaya niya at pumasok sa loob ng Writer’s Block. Hila-hila nito ang isang malaking stroller bag. Nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng bahay, she gave Uriah a disapproving look because of his rude behavior towards his mother.

“Maupo po kayo, ḥamāh,” magalang niyang wika kay Lucinda habang umiikot ang mga mata nito sa buong kabahayan.

Shukran(شكرا),” wika nito nang maupo ito sa sofa.

“Ano po?” nagugulumihanang tanong niya rito. “’Di ko po kasi naintindihan ang sinabi n'yo.”

“Salamat 'yon sa salitang Arabo,” si Uriah ang sumagot para sa ina.

“Ah…” nakakaunawa naman niyang usal.

“Pasensya ka na,” Uriah’s mom apologized to her. “Nakasanayan ko lang. You must be Sandy, right? Sandy Guevarra?”

“P-pa’no n'yo po nalaman ang pangalan ko?” kinakabahang tanong niya rito. Baka kasi alam na nito ang tungkol sa atraso niya kay Uriah at baka kaya ito nagpunta rito ay para palayasin siya nito sa Writer’s Block. Pero, parang napakabait nitong tao para gawin nito iyon.

“Sinabi sa 'kin ni Lea – ang manager ng grupo nila,” nakangiti pa ring sagot nito sa kaniya.

“S'ya rin ba ang nagsabi sa 'yong dito 'ko nakatira?” usisa ni Uriah sa sariling ina.

“Oo,” tugon naman ni Lucinda sa anak nito.

She gave Uriah a warning look again. Then, she looked at Uriah’s mother with a smile on her face once more. “Ano pong sinakyan n'yo papunta rito? Parang wala naman po kasi 'kong nakitang may dala kayong sasakyan.”

“Nag-commute lang ako,” she smilingly replied at her. “Pero, nag-check-in talaga 'ko sa isang hotel sa Manila simula nang umuwi ako rito sa Pilipinas.”

“Gano’n po ba? Siguradong pagod na pagod na po kayo dahil sa biyahe,” nag-aalalang wika niya rito. “Saglit lang po’t igagawa ko po kayo ng meryenda.”

Bago niya iwan ang mag-ina ay binigyan muna niya ng ayusin-mo-ang-pakikipag-usap-mo-sa-nanay-mo look si Uriah. Pagkatapos ay saka siya nagtungo papuntang kusina.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon