Chapter 18: Operation Sagip Sandy

222 65 0
                                    

NASA kaliwang bahagi ni Uriah si Sandy sakay ng kabayo nitong nagngangalang Unicorn. Unti-unting namang nilapitan ni Uriah si Sandy sakay ng kabayo niyang si Pegasus.

Inunat ni Uriah ang kaliwang kamay niya na hinawakan naman ni Sandy gamit ang kanang kamay nito. Pagkatapos ay humawak naman si Sandy sa buhok ni Unicorn sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito. Then, she lifted her left foot and transferred it to the right side when, suddenly, Unicorn groaned and jerked.

Muntik naman nang mahulog si Sandy. Mabuti na lang at nahawakan nito ang kamay niya nang mahigpit dahilan para manumbalik ang balanse nito at makaupo itong muli nang maayos nang patagilid sa ibabaw ni Unicorn. Kitang-kita ni Uriah ang pagkupas ng kulay sa mukha ni Sandy at ang pagbubutil-butil ng pawis nito sa nito dahil sa takot at kaba sa nangyari kanina.

“Sandy, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito.

Tanging tango lang ang naisagot nito sa kaniya.

“Magaling ang ginawa mo,” puri niya rito para palakasin ang loob nito. “Ngayon naman, hahawakan ko ang bewang mo. ‘Tapos, 'pag sinabi kong talon, tumalon ka kaagad para mailipat kita rito sa kabayo ko. Naiintindihan mo ba, Sandy?”

Tumango namang muli si Sandy bilang tugon.

Nilapit niyang muli si Pegasus kay Unicorn. Pagkatapos ay binitiwan niya ang kanang kamay ni Sandy at mabilis na nilipat iyon sa bewang nito. Napakapit naman si Sandy sa braso niya para mapanatili ang balanse nito. Then, he removed his grip from the rein and held the other side of Sandy's waist using his right hand. Their doing all of these while their horses are running like crazy.

“Isa. Dalawa. Talon!” hudyat ni Uriah.

At Uriah’s signal, Sandy jumped from her seat. Inangat naman ni Uriah si Sandy sa ere sa tulong na rin nang bwelo nito sa pagtalon at inilapag ito sa harapan niya. Then, he grabbed Pegasus' reins again.

Suddenly, time turned slow dahil napakalapit ni Sandy sa kaniya. They’re both sitting on his horse. Pero, nakaharap ito sa kaniya at ang mga hita nito ay nakapatong naman sa mga hita niya. He felt something stirred up in his groins. Naramdaman niya rin ang paglipad ng mga paruparo sa loob ng sikmura niya. Gahibla na lang kasi ang pagitan ng mukha nila sa isa’t isa. And, amidst the danger of their situation, he has this unexplainable urge to press his lips on hers which was granted dahil nang biglang bumilis ang takbo ni Pegasus ay aksidenteng nagdikit ang mga labi nilang dalawa. It was a light as a feather kiss. Pero, kahit ganoon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang lambot ng mga labi nito.

Kaagad namang binawi ni Sandy ang mga labi nito sa pagkakadikit sa kaniya and turned her head away from him.

“Unicorn!” nag-aalalang sigaw ni Sandy sa pangalan ng kabayo nito na parang hindi alintana ang aksidenteng pagdidikit ng mga labi nilang dalawa. Sa kabilang banda ay patuloy pa rin si Unicorn sa pagtakbo at kung hindi ito hihinto ay siguradong mahuhulog ito sa bangin na siyang ikamamatay nito. “Iligtas natin s'ya!”

Despite their current awkward position ay mas lalo pang pinabilis ni Uriah ang pagpapatakbo kay Pegasus para maabutan nila si Unicorn. Kaso, sa bawat indayog naman ng sinasakyan nilang kabayo ay nararamdaman niya ang pagsikip ng pantalon niya dahil sa ayos nilang dalawa.

Shit! he cursed in his mind.

“Unicorn!” tawag muli ni Sandy sa kabayo nito nang medyo malapit na sila rito. “Stop!”

Tamang-tama naman at mukhang narinig ito ni Unicorn kaya huminto ito sa pagtakbo dahil kung sakaling nagpatuloy pa ito sa pagtakbo kahit isang segundo ay siguradong nahulog na ito sa matarik na bangin.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)On viuen les histories. Descobreix ara