Chapter 13: Back Pay and Pay Back

237 76 1
                                    

“SALAMAT po,” Sandy thanked the Human Resources staff na nag-assist sa kaniya para sa clearance niya at pagkuha niya ng back pay mula sa kompanyang pinagtrabahuan niya rati – ang Daily Media Corporation.

Nakatanggap kasi siya ng text message kahapon mula sa company na pwede na raw niyang makuha ang back pay niya personally.

Siya na lang sana ang kukuha niyon mag-isa. Kaso, nang magpaalam siya kay Uriah tungkol sa gagawin niya ay nag-volunteer itong ihatid siya paluwas ng Manila.

Tinanggihan naman niya ito dahil ayaw na niyang maabala pa ito at alam niyang hindi rin naman ito papayagan ng management nitong magpunta sa Manila. Kaso, kinukulit talaga siya nito hanggang sa wala na rin siyang nagawa kung 'di ang pumayag na lang sa kagustuhan nito. Siguro ay inip na inip na ito sa Writer’s Block kaya nang makakita ito ng dahilan para makalabas ay hindi na nito pinalampas iyon.

Of course, napagkasunduan nilang hindi maaaring lumabas sa loob ng kotse si Uriah dahil baka may makakita rito at pagpiyestahan ito ng media. But, just in case, ay nagsuot pa rin ito ng disguise para hindi madaling makilala.

Uriah was wearing a skin-tight white shirt underneath his black leather jacket, tattered denim pants which almost served as his second skin and a pair of black Converse shoes. He was sporting his long, black hair in a man bun na bihira lang ang binabagayan sa mga lalake. And, fortunately, Uriah, is one of them. He even looked more manly dahil sa stubble na bahagyang tumutubo sa jawline at upper lip nito. Nakasuot din ito ng Ray Ban shades na walang epekto sa disguise nito dahil imposibleng hindi mangibabaw ang kagwapuhang taglay nito kapag lumabas na ito sa pampublikong lugar.

She was about to exit the floor of the building na nirerentahan ng Daily Media Corporation nang may pamilyar na boses na tumawag sa kaniya mula sa likuran.

“Sandy! Wait!”

Hinarap niya ang pinagmulan ng tinig at nakita kung sino iyon. “Sam,” mahinang usal niya sa pangalan ng dating kasama sa bahay, katrabaho at kaibigan.

“How’re you?” usisa nito sa kaniya nang lapitan siya nito.

“I’m fine,” tugon niya rito na may bahid ng pagtatampo. “Ikaw?”

“Okay lang din,” sagot nito sa kaniya. “Bakit 'di mo man lang sinabi sa ‘king pupunta ka pala rito ngayon?”

“Nakalimutan ko,” simpleng sagot niya rito.

“Bakit 'di ka man lang nagre-reply sa mga texts ko?” usisa nitong muli.

“Busy kasi ako,” diretsong tugon niya rito.

“Galit ka pa rin ba sa 'kin?”

“Bakit naman ako magagalit sa 'yo?” ganting-tanong niya rito. “S’ya nga pala,” pagpapatuloy niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang wallet niya at kumuha ng pera mula roon. “Ito pala 'yong bayad ko sa utang ko sa 'yo.”

Sa halip na tanggapin iyon ni Sam ay tinitigan lang nito iyon na para bang bomba ang inaabot niya rito. Pagkatapos ay tumingala ito sa kaniya. “Gan’yan ba ang pagkakakilala mo sa 'kin, Sandy? Sa tingin mo, kaya kita tini-text, tinatawag at in-approach ngayon ay dahil maniningil ako ng utang mo?”

Hindi siya nakasagot kaagad dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.

“Now, I know,” Sam continued. “Talking to you is a mistake.”

Aktong tatalikuran na siya nito nang bigla siyang magsalita. “I’m sorry, Sam. Alam kong 'di ko dapat nararamdaman 'to. Pero, nagtatampo talaga 'ko sa 'yo. Kaso, anong karapatan kong magalit sa 'yo? Nang bagong salta 'ko rito sa Manila, kinupkop mo 'ko. You’re my partner-in-crime. Sinuportahan mo 'ko sa mga kalokohan ko. We're like peas in a pod, like sisters from different parents. You're there when I'm broke. Kaya, sobrang sama talaga ng loob ko sa 'yo nang pinaalis mo 'ko sa apartment para makitira sa boyfriend mo.” Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon