I shrugged. "Hindi na siya marupok?" Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko napigilan at napatawa ako. "I was joking."

He chuckled. "You never change a bit Vanessa. Ikaw parin ang ice breaker ng pamilya."

Napangiti ako. Yes dad, ako parin ang Ice breaker ng pamilya natin, at ikaw parin ang haligi ng tahanan kahit iniwan mo kami. "Busy si mommy sa pagpapatakbo ng resort. Pero kahit busy yun, may oras siya sa'min ni Daphne." nakangiting tugon ko

He nodded, genuinely smiling at me. "Glad to hear that." he inhaled deeply. "Your sister, how is she?"

"She's fine. Sobrang tutok sa pag-aaral ang bunso mo." natigilan naman ako ng marealize ang maling nasabi ko. Napatikhim tuloy ako. Tss. "I'm sorry, nasanay lang." I said, looking away.

"It's fine Van. Wala kang dapat ihingi ng patawad sa'kin." he paused. "Is she mad at me?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Wow. Just, wow! After all this time? Grabe. "What do you want to know dad? A truth or a lie?"

He looked down. "I guess, she's mad."

Pagak akong natawa sa kanya. "She's freaking mad at you." I took a deep breath, trying to calm myself. "Sino bang hindi magagalit sayo? Dahil mas pinili mo ang taong... kinakasama mo ngayon, kaysa sa'min na pamilya mo." napalunok ako. Hanggang ngayon, masakit parin pala talaga ang ginawa niya. Mahigit dalawang taon na ang lumipas mula ng malaman naming may ibang babae ang ama ko, simula din nun umalis siya sa bahay at iniwan kami.

He choose his mistress, his new family.

Oo, nasaktan ako. Pero mas nasaktan ako para sa mommy ko na minahal siya ng buo. Gusto kong saktan si Dad sa tuwing nakikita ko ang mga luha ni mommy, ang mga luha niyang pinapakawalan niya lang pag hindi kami kaharap.

Wala ng mas sasakit pa ang makitang nasasaktan ang nanay ko.

Pero kahit ganun, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Nasasaktan ako pero hindi ako galit. Dahil kahit pagbalik-baliktarin pa ang ikot ng mundo, tatay ko parin siya. Hindi ako mabubuo kung wala siya.

"I'm sorry." mahinang tugon niya.

I bit the inside of my cheek. Naiiyak ako. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mailayo si Dad sa kabit niya.

Kung maibabalik ko lang sana, baka buo pa ang masaya naming pamilya.

Kaso hindi na, at ito ang pinaka masakit sa parte ng buhay ko.

Ang makita ang dalawang taong masayang nagmamahalan, na napagdesisyunan na tapusin ang anumang relasyon nila.

Magiging magulang na lang sila, pero hindi na magiging mag-asawa.

"Alam mo dad, ang salitang 'sorry' ay para sa mga bagay na hindi sinasadya." I gulped hard. "At hindi ko alam kung sinadya mo bang magmahal ng iba, habang mahal mo si mommy. Kaya please, don't say sorry."

"Vanessa"

"Para lang yang pangako mo sa'min, wala ng kwenta." pagpapatuloy ko

Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Hindi niya ko masisisi, nasaktan lang din ako. "Still, I'm sorry. Hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo ng mommy mo."

I nodded slowly. "Okay lang Dad. But, make sure, this time you'll fulfill your promise to your new family."

Agad akong nag-iwas ng tingin ng mapansin ang nanggigilid niyang luha. Alam ko, mahina ako. Mahina ako pagdating sa pamilya ko, pero simula ng iwan niya kami, nagpakatatag ako. Kailangan kong magpakatatag, hindi para sa sarili ko kundi para kina mom at Daphne.

AddictedWhere stories live. Discover now