Kaya dumiretso ako sa may gazebo.

Nakita kong nag-uusap usap ang tatlo kong kasama kanina at mukhang hindi sila nagkakaintindihan.

Sila Keian naman ay abalang abala at panay ang kausap sa mga tauhan.

Ako lang ang nakaupo sa kanilang lahat dito. Lahat sila may ginagawa.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng lungkot at feeling ko ang lonely ko.

Ano ba yan Nassandra! Huwag ka ngang emotional!

" Leon!" Umaangat ang ulo ko at napatingin kay Devon na lumapit sa amin tsaka lumuhod tsaka tinap yung hita niya.

Leon's ears perked at napatayo agad para tumakbo papunta kay Devon at simulang dila-dilaan ang mukha nito.

" Wag! Hahaha. Yak! Pas d'arrêt (No, stop)" pinanood ko silang dalawa at napanguso.

Inagawan ako ng comapnion! Hmph!

Nanahimik nalang ako sa kinauupuan ko.

" Oy, Nassandra, nandyan ka pala" gulat na sambit ni Devon na kinataas ng kilay ko.

" Ako yung kasama ni Leon kanina tas hindi mo ako napansin?" Medyo inis kong sabi. Kumunot ang noo niya.

" Bakit ka nagagalit? Eh sa hindi kita napansin eh" inis na sabi din nito. Aba!

" Wala ka bang gagawin? Bakit ka nandito? Sige ka baka mapagalitan ka ni Keian" mas lalo namang kumunot ang noo nito.

" So ikaw hindi papagalitan, ikaw nga lang yung nag-iisang nakaupo eh. Porket lovey-dovey ka ni Kei eh" ngumuso ako at tinitigan ito nang masama. Pinanlisikan niya din ako ng mata.

Grrrr...

Namula yung pisngi ni Devon habang ako ay napangisi.

" Waw, nagugutom ka na, maître? Gusto mo ipagluto kita?" Mapang-asar kong sabi dito.

Tinignan niya ulit ako nang masama.

" Shut up" mas lumawak yung ngisi ko nang natahimik siya.

After a few minute, he gave me a side glance at napakagat ng labi.

" Argghhh. Ipagluluto mo ba talaga ako?" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

" Syempre hindi, inaasar lang kita. Tsaka nagiinspect pa sa loob ng mansyon paano kita maipagluluto?"

" Tsk. Nasa may second floor naman na yung inspection tapos na dun sa may kusina" saad nito.

Mapanghusga ko siyang tinitigan.

" What? Nagugutom ako eh. Ipagluto mo ako" masungit nitong sabi na ikinatawa ko.

" Pleaseeee" bumukas yung bibig ko nang biglang naging sweet yung tono niya.

Wahhh. Grabe, hindi bagay sa kanya.

" Sige na nga" napangiti siya at tsaka nauna nang maglakad papasok ng mansyon kasama si Leon.

Iwan ba naman ako.

Ipagluluto ko siya kasi nab-bored na rin naman ako dito. Wala din akong kasama. Atleast kapag pinagluto ko si Devon, may kasama ako. Kahit na ang sungit sungit noon.

Dumiretso siya sa may kusina sa loob ng mansyon habang ako ay nakasunod lang saa kanya.

Kau-kausap ni Devon si Leon at mukhang gustong gusto talaga sa kanta nung aso.

" Anong gusto mong iluto ko?" Tanong ko dito. Tumingin siya sa akin at napaisip.

" Kahit ano nalang" napatampal ako ng noo sa sinabi niya.

Maid for the Mafia BossWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu