Chapter Twenty-five - (Naomi and Beth)

36 4 2
                                    

Chapter 25

(Ellysse PoV)

"Allice?" Bigla nalang sabi ni Rouel at binitawan ang kamay ko. What happened to him? Bigla nalang itong nawala at nilamon ng mga usok. Biglang may humila sa'kin kaya napasigaw ako.

"Ahh! Rouel!" sigaw ko at pilit kumawala sa humila sa'kin. Napuno ng kaba yong dibdib ko at hindi na ako makapag-isip ng kung anong gagawin.

"Shhh! Huwag kang matakot, hindi ako kalaban." Binitawan niya ang mga braso ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan kong sino ito.

"Who are you?" Tanong ko sa isang babae na nakasuot ng puro itim at naka hood. Mukha siyang kalaban sa suot niya. Well bawal nga magjudge diba? Pero sino ba siya?

"Naomi ang pangalan ko binibini." Sabi niya at luminga-linga na parang may tinatakasan.

"Naomi?" The name is familiar, saan ko nga ba ito narinig? Sumingkit ang mga cute kong mga kilay at pilit na inaalala ang pangalan niya. Napa-awang nalang ang bibig ko ng mapagtanto kong sino ang nasa harapan ko.

"Naomi Rolexe? Asawa ni King Junhnel Rolexe, ang reyna?" Hindi makapaniwalang sambit ko at nanglalaki ang mga mata. No this can't be, sa pagkaka-alam ko ay patay na si Naomi 19 years ago. Is that mean-.

"Yes? You know me?" Of course I know Naomi Rolexe, she is Rouel's mom. But this is unbelievable, kung ganoon hindi siya namatay noon kung totoo man ang sinasabi niya..

"Everyone knows you." I said.

"Right, pero kailangan muna nating umalis sa lugar nato. Delikado rito, follow me." Sabi niya at nagsimulang maglakad.

Do I have to follow her? Totoo ba siya? Hindi ba siya kalaban? Sa huli ay sumunod parin ako sa kanya at lumipas ang ilang mga minuto ay nahinto kami sa isang tagong kubo na nakatago lamang sa mga dahon ng mga malalaking kaba-kaba na halaman. Wow, how brilliant. Hinawi niya ang mga dahon at pumasok siya dito, sumunod lamang ako sa kanya na pumasok kahit hindi ako sigurado sa ginagawa ko. I'm not sure kung siya nga ba talaga ang Naomi na alam ko. But still part of me wants to believe her.

"Bakit ka nga ba napunta sa lugar na ito? Matagal na panahon na din na may mga elenian ang pumasok sa bundok na ito maliban sa mga bugad." Dumeretso ito sa maliit na kusina at binigyan niya ako ng tubig.

"Drink this, para gumaan ang pakiramdam mo." Napatingin ito sa may leeg ko at pinagmasdan ito.

"You are a princess. Isa kang dreron." Lumagok ako ng tubig bago ako nagsalita.

"Opo."

"I heard na ikaw ang nakatadhana sa kanya, my son." Napatitig ito sa akin at parang may inaalala.

"Nandito din po siya sa Mineryang. Balak po namin na ibalik ang gubat na ito sa dati."

"What? Nandito din ang anak ko? No, hindi siya pwede pumunta rito, hindi niya pwedeng pakawalan ulit si Tahoba, mapapahamak siya." Hysterical nitong sabi at nag-alala. She is his mother, I can feel it. Pero paano siya nabuhay? O namatay ba talaga siya?

"Bakit naman po?"

"Siya ang kailangan ni Feti para buhayin si Tahoba. Siguradong nasa kamay na siya ngayon ni Louise, hindi maaari kailangan ko siyang puntahan."

"Feti? Iyong diyosa na umibig kay Tahoba at nagkaanak?"

"No the real Feti is not here. Umalis na ito sanggol pa lang ako." Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Ako ang sanggol na walang awang iniwan ni Feti noon na mag-isa at ang impostor na Feti ang umalaga sa'kin na puno ng kasamaan." What? Hindi ko maintindihan. Paanong impostor si Feti. Bigla ko na lamang naalala ang sinabi ni Allyssia.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon