Chapter Sixteen - (The Entities of Incarnation)

43 11 3
                                    

Chapter 16

(Ritche's PoV)

Nagbabasa ako ng libro ngayon sa library ng Sozu, kasama ko ngayon ang dalawa kong Egan na tahimik lang. Weird, hindi ko kasi sila narinig na nagbangayan ngayon. I wonder why. Sinulyapan ko ang dalawa at pinagmasdan sila.

Si Jerry ay napapa-iling lang at kinukurot ang mukha at kapagkuwan ay sinasabunutan ang ulo niya. He's craxy. Sinulyapan ko naman si Ryan at seryoso lang itong nakatingin sa kawalan at parang nag-iisip. He is more serious this day at hindi ko mawari ang mga kinikilos niya. He is being odd, silang dalawa.

Itinoon ko nalang ang pansin ko sa binabasa ko at hindi na lamang sila inintindi. Nagulat ako ng biglang nag-iba ang mga letra na nasa lebro at nagging blangko ito. Unti-unti ay may nag appear na salita dito.

Prince of Erosia, my living incarnation. The time has come to know your capabilities. What? Ako ba ang tinutukoy niya? Eh ako lang naman ang prinsepe ng Erosia kaya para sa akin ito. But who's sending me this letter. May napansin ako na babae na nakatingin sa akin sa isang sulok ng library, she is wearing a green fancy dress and she has a beautiful green wings. Napakunot ang noo ko ng bigla itong nawala. Nasaan na?

Napatayo ako bigla at napalinga.

"Bakit mahal na prinsepe?" Tanong sa akin Jerry. Umiling lamang ako at itiniklop ang libro at pumunta sa sulok ng library at isinauli ito kung saan ko ito kinuha. Hindi ko kasi ugaling iwan ito sa table. Nagulat ako ng makita ang babae ng humarap ako pagkatapos ilagay ang libro sa shelf.

"Who are you?" Walang emosyon ang mga mata nito at parang sinusuri ako ng mga tingin niya.

"Sumama ka sa akin." Malalim ang boses niya, parang nasa kailaliman ng lupa.

"What? Saan?" Bigla niyang hinawakan ang braso ko at bigla nalang nag-iba ang paligid. We are now standing on a field. I saw a gazebo at nakita ko doon si Iamae na kumaway sa akin, nandoon din ang prinsesa ng dreroa sa pagkakakilala ko at si Rouel? Nandito din sila? May iba din sila na kasama na ngayon ko lang nakita. They are wearing a fancy clothes.

Napalingon ako sa babe na kasama ko na wala na doon. Napatingin ako sa gazebo at nandoon na ito doon kaya lumapit na din ako sa kanila.

"Why am I here? Why are we here?" Lumapit sa akin si Iamae and hug me.

"Dumating ka na." She knows this?

"Why? Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"They are the gods of the elements at iyong babae na kasama mo ay siya ang diyosa ng lupa, siya si goddess Allyssia." Itinuro ni Iamae ang babae na kasama ko kanina. Hindi ito nakatingin sa akin at prenteng naka-upo sa loob ng gazebo kasama ang tatlo pa na hindi ko kilala. Maybe they are the other gods.

"For real? Bakit tayo napunta dito?" Tumango siya.

"Hali ka na sumama ka muna sa akin doon." Dinala ako ni Iamae sa gazebo, I saw Rouel smiled at me na tinanguan ko lang, sa kabila niya ay si Ellysse na parang malalim ang iniisip.

"At last you're here Ritch." Sabi ng isang lalaki na kulay violet na cloak ang suot. Yong isang lalaki naman ay tumango lang sa akin.

"Dahil nandito ka na ay pwede na siguro tayong magsimula." Sabi ng babaeng nakasuot ng asul na besteda at asul na cloak, maganda rin siya. Parang hindi sila mga diyos at diyosa sa mukha nila maliban sa suot nila, hindi pa sila matatanda at parang kaedad lang namin. All of them are wearing a cloak made with a silk na ngayon ko lang na nakita. They are elegant and graceful the way they sit and talk.

"Wait, anong magsimula?" tanong ko dahil parang ako lang ang walang alam sa nangyayari.

"Alice? Naku naman, akala ko ba sinabi mo na?" I saw the woman she called Alice rolled her eyes. So, they know how to do that as well, interesting.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon