Chapter Fifteen - (The Air and Water Blast)

45 11 0
                                    

Chapter 15

(Ritche's PoV)

A week had been passed mula ng sinalakay ang Erosia. Lahat ay walang tigil sa pagsasanay ng kanilang kapangyarihan. Everyone is getting stronger at kaya ng makipaglaban para ipagtanggol ang Elenos. Napansin ko rin ang kinikilos ni Iamae, grabi ang pursige niya sa pag-eensayo at pagsasanay ng kanyang elemento. Nawawalan na nga siya ng oras sa aming dalawa eh, tampo tuloy ako. But, I understand her. After what happened to her mother ay umiyak lang siya at nagmukmuk ng ilang araw sa kwarto niya and after that ay bumalik na siya sa dati niyang sigla. But this time, I can sense difference, I can feel something about her.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Nakaupo kasi ako ngayon sa mga benches dito sa may garden ng sozu at nagbabasa ng libro. Snacks ngayon at dito ko naisipang tumambay para malayo ako sa dalawang kupal na palaging nagbabangayan. Siguradong hinahanap na ako ng mga iyon habang nagaaway na parang mga bata.

Kinuha ko ang kamay niya na nakapulupot sa leeg ko at itinoon ang mukha ko sa libro na binabasa. TAMPO nga ako diba?

"Hey, what's the problem?" Tanong niya dahil sa ginawa ko. Umupo siya sa tabi ko and crossed her legs. Huwag ka nga, TAMPO ako.

Hindi ako sumagot sa kanya at patuloy lang sa binabasa ko, pero hindi naman talaga ako nagbabasa, pinapakiramdaman ko lang siya. I'm just flipping the pages. I heard her sighed.

"Okay, I'm sorry na you know I'm just busy sa mga nagdaang araw." Nakikinig lamang ako sa kanya, hindi nagsasalita para kunwaring nagtatampo ako. Nagtatampo naman talga ako eh, pero konti lang.

"Hoy!" Sinundot niya ako sa tagiliran kaya napa igking ako.

"Patawarin mo na ako please." She pouted, hayys. Ang cute niya eh. Patawarin ko na ba? Eh hindi eh, nageenjoy pa ako.

"Hey." Gusto kong tumawa dahil sa kiliti dahil sa pagsundot-sundot niya sa tiyan at tagiliran ko. Ano ba, may kiliti ako diyan.

"Oy, tatawa na yan." No, hindi ako tatawa. Hahahahaha.

"Alam ko tatawa na yan oh, oy!" Siguradong pulang-pula ang mukha ko dahil sa mga tawa na kanina ko pa pinipigilan. Pambihira, parang sasabog na ako dito.

"Sige na pansinin mo na ako." Patuloy parin siya sa pagsundot sa akin at parang sasabog na ang dibdib ko sa pagpigil ng tawa ko.

"Buahahahha." Sa kasamaang palad ay bumigay din ako sa kiliti at tumawa ng malakas.

"Shit! Huwag mo'kong kilitiin." Bigla din naman niya akong binatukan.

"Aray para san yon?"

"Huwag mo nga akong murahin diyan." I quickly took a kiss from her na nagpagulat sa kanya. Her chicks slightly blushed. Shit, sa tagal ko nang ginagawa yan, namumula pa rin siya? Kinikilig tuloy ako ehhhk. Pabiro niyang hinampas ang braso ko.

"I love you." Sabi ko and kissed her again.

(Reniel PoV)

Katatapos ko lang bumili ng pagkain ko at naghahanap ako ng bakanteng table. Mag-isa lang ako ngayon dahil hindi na pumapasok ang prinsepe. May nakita akong table na isa lang ang kumakain. Napangiti ako and raised an eyebrows when I know who's occupying it, it was Robelyn. Lumapit ako sa kanya at inilapag ang tray ng pagkain at kumain. Nabigla ito at napalaki ang mga bilog niyang mga mata.

"Bakit?" Maang na tanong ko sa kanya. Napangiwi siya at napasimangot ang mukha. I just can't help teasing her. I was glad ng makita ko siya ng magmix ng student at nagging kaklasi ko siya at katabi ko pa ng upuan. 

Gutom ako kaya hindi ko na muna siya iinisin ngayon. Sumusubo lang ako ng pagkain ng bigla niyang dinukdok ang kutsara niya sa harap ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon