Chapter Twenty-nine - The Monster

12 2 0
                                    

Chapter 29

Hinigit niya ang katana na nakasaksak sa tiyan ng bugad na nakalaban niya. Tumulo ang maitim na dugo mula sa katana na siyang simbolo ng pagkawagi. That was the last at imbes na mabawas ang tila tinik sa dibdib ay di niya magawa dahil di maalis sa isip niya ang anak. Inilibot niya ang kanyang paningin at natatanaw niya ang ilan sa mga kawal niya na bakas sa mga mukha nito ang pagkapagod. Sa wakas ay nawagi nila ang paglusob ng nga bugad, pero ganon paman ay hindi pa tapos ang laban.
Dahan-dahan niyang ipinikit ang nga mata at maya-maya pa ay lumabas ang napakalaking agila na Egyan niya. He can see it's eyes flash into raging violet color.

"Thanks blake." Sabi niya at hinaplos ang pakpak ng agila at agad din itong nawala.

Isang madugong labanan ang naganap at pinatunayan nila na hindi nadadaig ng kasamaan ang kabutihan, that light will always shine at the darkness.

Hinanap ng mga mata niya ang tatlong hari at ganon na lamang ang paghugot ng kanyang hininga ng makita na maayos lang ang mga ito.
Linapitan niya si Moros na tinutulungan ang isang dreron na kawal.

"Bring everyone to the safest place of the kingdom at ipatawag ang mga mangagamot. Yung iba ay tumulong sa pagligpit ng mga bangkay para maayos silang mailibing. We will forever thank their bravery for saving the whole Elenos." May sakit at lungkot sa bawat bigkas niya sa mga salita na iyon. Hindi niya kayang tingnan ang libo-libong mga elenian na nasawi dahil sa labanan na naganap. Kaya dapat mabigyan ng hustisya ang sakripisyo at ang pagkasawi ng mga ito. He will make sure their life will be worth it.

"Isa pa, gather all men who can still fight, we'll go to the dark forest before dawn. We'll be coming for the prince." Seryoso niyang saad at hindi mabakas ang emosyon sa mukha niya. Agad din namang tumalima si Moros at sinunod ang utos ng hari.

Dumating ang gabi at naghanda na ang lahat sa pagpunta sa Mineryang na tinatawag ngayong Dark Forest.
Sinulyapan ni Junhnel ang hari ng mga dreron na seryoso lang na nagpapayo sa mga kawal nito. Masaya siya na sa wakas ay nakakasundo na niya ito. Matagal na panahon na din na hindi maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa kaya lubos siyang nagagalak ngayon.

Muli ay itinoon niya ang kanyang atensiyon sa ibang mga elenian. Ang apat na klasi ng mga elenian mula sa ibat-ibang kaharian ay nakakaginhawang tingnan sapagkat nagtutulungan ang mga ito. Tila lahat ay abala sa kanilang mga ginagawa, ang ilan ay naghahatid ng mga makakain at mga bagong masusuot at ang iba ay ginagamot ang mga sugatan.

Sa naganap ay hindi parin mawaglit sa kanyang isipan ang mga buhay na nasawi. He will forever mourn their lives for it was holy, naway maging payapa sila sa kabilang buhay ng mga elemento.

Dumating din ang takdang oras at nagsimula na silang lumisan para pumunta sa dark forest. Everyone seems tired but that doesn't stop them to save other lives lalo pa at buhay ng mga prinsipe at prinsesa ang kailangan nilang isalba. The life that serves as their hope and strength, strength that gives them foundation to stand again. Dahil kapag nawala ang anak niya ay mawawalan ng saysay ang pagiging matatag niya sa nagdaang dalawamping taon.

Mula sa tarangkahan ng Sojo Elenian Academy/School, mababakas ang mga katawan ng mga estudyante na nakaparada sa labas, wala ng buhay. Hindi nila maitago ang pighati at lungkot dahil sa mga nakikita. Masyadong malaki ang pinsala na naidulit ng mga bugad and they must be stopped, marami na ang buhay ang nawala.

Pagkapasok nila sa Sozu ay mas nakakatot at nakakagimbal ang nakikita nila, there's no sign of lives in there. Tanging mga walang buhay na mga estudyante kasama ang ilan sa mga bugad na wala na ring buhay at malansang mga dugo na nangangamoy sa buong paligid ng Sojo. It smells death and sorrow, tila naririnig niya ang mga sigaw at pighati ng mga estudyante sa loob ng Sojo.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon