Chapter Two - (You Caught Me)

118 18 2
                                    

Chapter 2

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako tutungo sa mga oras na yon. Parang ayaw maniwala ng utak ko sa lahat ng nangyari. Biglaan, hindi ko napaghahandaan, tanging sa mga oras na iyon ay pinapanalangin ko na sana panaginip nalang ang lahat, para sa pagmulat ko sa aking mga mata ay ayos lang, ayos lang si mama Terry. Hindi mapalagay ang isip ko at puno ito ng mga nagsasangahang mga katanungan. Ano ba talaga ang totoo? Sino ba dapat ang paniwalaan ko. Ngayon wala akong ibang magawa kundi pagluksaan ang lahat ng nangyari. Parang ayaw ko nang mabuhay, she's the only one that I have at ngayon iniwan na niya ako sa nakakalitong paraan.

Napatingin ako sa lalaking nakatayo lang sa may pinto ng kwarto ko. Nawala na yong apoy at halos ay maabo na yong lahat. Naghahanap ako ng mga bagay na kailangan kong dalhin sa paglalakbay. Ewan ko ba kung bakit ako naniwala sa kanya. Sinabi niya sa akin na ako daw si Rouel Rolexe ang prinsepe ng Agresia at kailangan ko nang bumalik doon dahil hindi na ako ligtas dito.

"Anong pangalan mo?" napalingon ito sakin na parang nalilito. Kitang-kita sa mga mata nito na parang naguguluhan.

"I guess you don't have a name." Napayuko ito at hindi makatingin sakin. Napansin ko ang tenga nito na may marka ng tulad sakin. Balat ito na tila hugis na katulad ng crescent moon. Ngayon ko lang din napansin ang mga mata niya na kulay asul, ang ganda tingnan parang karagatan ng mga nagagandahang mga bulaklak.

"I'll call you Blue then, just like the color of your eyes."

"Kahit ano po ang gusto niyong itawag sa akin ay ayos lang." Sabi nito na hindi makatingin sa akin. Hindi ko parin talaga maintindihan ang aliba thing na to. Hayyys, lahat naman talaga di ko naiintindihan kasi lahat hindi kapanipaniwala.

"Uhm, Sa tingin ko po kailangan na po nating maglakbay patungo sa Elenos. Masyado nang mahaba ang oras simula nang matonton tayo ng mga bugad dito. Alam ko na marami pa ang dadating para bihagin ka." Tinignan ko siya ng maigi na hindi nagpalagay ng tingin nito. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyari.

"Do I really have to go there, or are you even legit?" napatindig ito ng maayos at tumingin sa akin ng deretso.

"Wala napo tayong oras, kailangan niyong maniwala sa ayaw niyo oh sa gusto niyo. Ang pagkamatay ni Ade Terry ay sapat na para maniwala kayo." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Sa lahat ng nangyari ngayon parang wala na ngang impossible. I think I just have to be drown with this one, with everything.

"Where is Beth?"

"Hindi po natin siya pwedeng dalhin sa elenos, Isa po siyang tao."

"So am I blue! I'm absolutely a human."

Lumabas ako sa kwarto at iniwan siya doon, napansin kong sumunod din siya sa akin. I saw Beth near at the burned living room at parang may tinitignan.

"Beth!" napalingon ito sa akin na parang nagulat.

"Oh! Hi." Ngumiti ito ng matamis sa akin. I just thought it sweet. Beth is kinda have a beauty. She has those thick eyelashes and brown eyes and a fair shaped and pinkish checks. She's pretty indeed.

"Uhm, we need to go." Biglang lumungkot ang mukha nito.

"I-I really don't have somewhere else to go. My parents are dead at wala na akong malalapitan. Sama nalang ako sa inyo please." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko at pinisil ito.

"Hindi iyon maaari binibini." Napatingin ako kay Blue na seryosong nakatingin kay Beth, parang sinusuri ng mga mata nito ang dalaga.

"I'm sorry Beth, hindi ka pwede sumama sa amin dahil mapanganib. I will call someone to help you don't worry." Sabi ko at niyakap siya. I know she'd been through a lot tulad ko. But I can't let her go with me dahil pati ako ay hindi sigurado sa pupuntahan namin. I am doing it once and for all and stop this madness.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon