Chaptet Nineteen - (The New Classmate)

37 9 1
                                    

Chapter 19

(Angelica's PoV)

Nagpunta ako sa c.r. ng cafeteria para hugasan ang natapunan kong damit ng spaghetti. Sobrang malas ko talaga ngayon eh.

"Hayys, ang dumi na tuloy." Sabi ko habang pinagpagpag ang damit ko ng tubig. I hear some flushed mula sa pinakadulo ng cubicle. I guess may gumamit siguro. Pagkatapos kong pagpagan ang natapunan kong damit ay hinugasan ko ang kamay ko sa sink. Napansin ko naman na bumukas ang pintuan ng cubicle at may lumabas doon. Lumapit ito sa may sink at napataas nalang ang kilay ko ng mapagtanto kung sino ito. Napansin ko rin na parang nagulat din siya ng makita ako. I slightly smirked, I hated this woman badly.

"Kumusta ka na?" Napataas ang maganda kong kilay dahil sa biglang tanong niya. Is she trying to make a conversation with me? I don't like it, tsk.

"Ayos lang, as you can see, beautiful as ever." Sarkastikong sabi ko sa kanya at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Look, I'm sorry for what I have done to you and Jerry noon, I was obsessed that time. Tsaka may kasalanan ka din naman kung bakit kayo nagkahiwalay, mahal ka niya alam mo iyon pero hindi mo siya pinakinggan."

"Whatever! Sa pagkaka-alam ko kasi ay kasalanan mo lahat, malandi ka kasi. Malandi ka at nilandi mo ang nobyo ko noon." Pagkatapos kung sabihin iyon ay lumabas na ako sa comfort room at iniwan ko siya doon. I can feel my cheeks being burned. Nang-iinit ang kalamnan ko dahil sa galit. Somehow she has a point, dahil hindi ko man lang inalam ang lahat noon at hindi ko binigyan ng pagkakataon si Jerry na magpaliwanang sakin at mas lalo akong nainis doon.

Napadaing ako ng bigla akong nauntog sa sahig. I bumped to someone at ang tigas ng dibdib niya, may bukol na siguro yong noo ko. Hayys, ang tanga tanga ko talaga, pati sa pagmamahal ay tanga. Saan nalang ba ako lulugar ha?

"Ayos ka lang ba miss?" Nagtaas ako ng ulo at nakita ang gwapong lalaki. Hayys, allergic ako sa mga sobrang gwapo. Mas gusto ko si Jerry sakto lang, agad kong iniling ang isipan ko dahil ang sagwa ng mga naiisip ko. Napansin ko lang na parang pamilyar sa akin ang lalaking ito.

"Ahm ayos lang ako." Sabi ko at dahan dahan na tumayo, mahirap na baka mauntog na naman ulit at mahulog, mahulog sa gwapong lalaking 'to. Hoi ano ba allergic nga ako sa mga masyadong gwapo, dapat sakto lang katulad ni—ay wala pa.

Napalunok ako ng maalala ang nakita ko kanina, I am certain that he is that man na nakita ko sa likod ng building.

"Ahm sorry, I got to go." Sabi ko at umalis na. Nanginginig ang mga tuhod na tinungo ko ang building namin. No, it can't be.

(Robelyn's PoV)

I was left here guilty. I have onced destroyed a relationship at pinagsisihan ko ang nagawa kong iyon. Pinairal ko ang pagmamahal ko kay jerry at pinagpalit ang pagkakaibigan namin ni Angelica. I missed her badly pero ayaw na niya sakin.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Huli na nang mapagtanto ko na hindi mo pwedeng pilitin ang puso na magmahal lalo na kapag may nagmamay-ari na nito. Sakit at pait, wasak at malansang sugat ang matatamo mo. Siguro may nakalaan palang iba para sakin, iyong titignan niya ako the way Jerry look at Angelica. Iyong ako lang at wala ng iba.

Dumeretso agad ako sa building namin. Marami narin ang nasa loob ng room kaya pumasok na ako at umupo sa upuan ko. I put my head on the table and try to have a quick snap.

"What's the problem babe?" Napaikot ang mata ko dahil sa pangungulit ng lalaki sa likod ko.

"Shut up and don't call me babe dahil hindi kita boyfriend." One reason I hate this mixed up ay dahil sa pesteng lalaking ito. Hindi na niya talaga ako tinitigilang asarin, he's very annoying grrr I hate him to the max.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon