Chapter Twenty-two - (Part 2)

31 5 2
                                    

Chapter 22(Part 2)

Nagising na lamang si Feti na nakahubad at natatabunan ng kumot ang katawan sa loob ng kanyang kubo. Napangiti siya dahil sa naalala. Hindi niya akalain na may nangyari sa kanila ni Tahoba. Ngunit nasaan na ba ito? Bakit siya na lamang ang nandoon?

Hindi niya pinagsisishan ang nangyari, she is happy because she might conceiving a new life, at kung totoo man iyon ay manganganak siya sa ika labing-dalawang araw. Iba kasi ang mga diyosa keysa sa mga elenian dahil madali lamang tumubo ang bata sa kanilang sinapupunan at lalabas agad. Masaya siya sa isiping ito, gayong makakasama na nga niya habang buhay ang lalaking kanyang iniibig.

"Nasaan na yung bote?" nasambit niya at kinapa ang damit na nasa sahig at wala na ang tubig na naglalaman ng luha. Siguradong nasa kay tahoba na ito at ininum. Ngunit bakit hindi man lang ito nagpaalam sa kanya at umalis? Iniling na lamang ni Feti ang kanyang ulo at ipinagsawalang bahala ito. Sigurado namang babalik ang Eros at sa pagbalik nito ay kauri na niya ito. Ang poproblemahin na lamang niya ngayon ay kung paano niya ito depensahan sa Lux at ipaliwanag dito ang kanyang sarili. Alam niyang may nakalaan na parusa sa ginawa niya at handa siya sa kung ano man ito alang-alang kay Tahoba.

Sa kabilang banda naman kasama ang mga nalikong mga tauhan ni Tahoba. Isang-libong mga tagasunod niya ang magiliw siyang binate.

"Sa wakas, narito na ang susi ng aking paghahari sa Erosia at maging sa buong mundo." Tumawa ito ng malakas at nakakatakot. Sa ilang buwan niyang pagsama sa isang diyosa ay nakuha na niya ang kanyang ninanais. Sa wakas ay makakapaghigante na siya sa mga nang-api sa kanya. Sa ilang buwan ay nakalikom siya ng maraming tagasunod na gustong pumanig sa kanyang planong paghahari. Paluluhurin niya ang lahat at kung sino man ang sumuway ay wawakasan niya ang buhay nito.

Binuksan niya ang bote na naglalaman ng luha ng dragon ng Lux at inisahang lagok ito. Biglang nanginig ang kanyang buong katawan at parang pinipiga ang kanyang mga mata. Para siyang binabawian ng hininga kaya napapaluhod siya sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang leeg.

"Panginoon ano pong nangyayari sa inyo?" Akma na sana siyang lalapitan ng kanyang atuhan ng itaas niya ng kanyang kanang kamay at tumawa ng malakas.

"Bwahahaha! Sa wakas isa na ako sa mga diyos, kaya ko nang maghari sa buong elenos!" Bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

Lumipas ang sampung araw ay hindi na bumalik ang Eros sa bundok ng mineryang. The Forest are getting darker and the atmosphere are being creepy. Tulad ng inaasahan ay lumalaki na ang tiyan ni Feti at sa ika labindalawang araw ay ipapanganak na niya ito. Pilit niyang hinanap ang Eros subalit wala ito sa mga lugar na kanyang pinupuntahan. Wala na rin siyang mga alay at mga dasal na naririnig mula sa mga Eros. Dahil sa pagod ay napaluhod ang diyosa sa lupa. Nawawalan siya ng lakas, nawawalan siya ng buhay dahil pakiramdam niya ay nalinlang siya ng lalaking mahal niya.

"Feti." Itinaas niya ang kanyang ulo ng marinig ang familiar ngunit malalim na boses na mapang asar.

"Tahoba? Asan ka? Magpakita ka sa'kin." Pinilit niyang tumayo at luminga-linga sa buong kakahuyan.

"Mahal kong Feti, ayos ka lang ba? Patawad ngunit nilinlang lamang kita. Wala akong gagawin sayo sapagkat isaka sa susi ng paghahari ko. Buwahahaha!" Tumawa ito ng malakas at nakakakilabot. Maging ang diyosa ay napapangiwi sa tawa nito.

"Walang hiya ka Tahoba." Nasabi na lamang niya at muling nalugmok sa lupa. Sumigaw siya ng napakalakas at napaiyak. Bigla na lamang yumanig ang buong kalupaan dala ng sobrang pighati at galit. The river were crying for her, and the wind were surging for her desire. Dinadamayan siya ng kalikasan sa sakit na nararamdaman niya. The bulge on her stomach is kicking kaya napadaing ulit siya. The baby's feelings is being mutual with her, nasasaktan at nagagalit.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon